Chapter 8 🌹

2.5K 36 0
                                    

TATLONG araw na ang lumipas at hanggang ngayon wala pa din akong nahahanap na bagong supplier. ayokong ipakita sa mga employee ko na nahihirapan ako, ayoko na silang mag-alala at abalahin pa...

nakapag usap narin kami ni Mrs. Santos at sa nakikita ko sa kalagayan niya mukhang wala naman siyang pinagda-daanan. walang bakas ng lungkot sa mukha nito na siyang ipinagtataka ko.

ang sabi niya lang saakin ay titira na sila sa ibang bansa kasama ang anak niya. Nakapag asawa daw ito ng afam. At gusto ng anak niya na manirahan dun for good at ang farm nila na mga coffee beans ay ibenenta na nila sa isang mayamang chinese na may ari daw ng coffee products.

mabait naman si Mrs. Santos nakapagtataka lang na naibenta niya ng ganun ganun lang ang Coffee beans farm gayung yun lang ang tanging hanap buhay na bumuhay sa kanilang pamilya sa loob ng mahabang panahon at nanggaling pa yun sa kaniyang mga ninuno... Yun ang kwento niya sakin noon.

Pero people chance sabi nga nila~

"hoii tulala kana naman diyan.."

Agad akong nataohan ng magsalita si Coleen. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa isang sikat na kainan. nagyaya kasi yung kumain sa labas hindi ko siya matanggihan dahil ilang araw ko din itong hindi nakasama.

"H-hindi ahh... "pagtanggi ko. "ano nga ulit yung sinabi mo?" tanong ko rito na ikinabuga niya ng hangin.

"see? hindi kana man nakikinig bess eh.." maktol nito..

"sorry.. may iniisip lang kasi ako." sagot ko at uminom ng pineapple juice.

ayokong ikwento sa kanya.. Knowing her na tutulong agad pag may problema ako.. Nahh ayoko nalang na malaman niya. Marami na siyang naitulong saakin.. At mukhang stress din siya sa personal life niya. Ayoko ng dumagdag pa.

"may problema kaba?" tanong nito na ikina-iling ko.

"Wala... nga pala bakit ngayon ka lang nagpakita? nasan ka nitong mga nakaraang araw?" tanong ko rito.

"tinatawagan ka namin di ka naman sumasagot." dagdag ko..

"namin?"bakas sa boses nito ang pagtataka.

"hinanap ka namin ni Halley... tatlo sana tayong pumunta dun sa funeral ni Franky." sagot ko.

"ahh.. About dun nasa Palawan kasi ako. dumalo ako sa golden anniversary nina Tita Marga." sagot nito na ikinatango ko lang...

"nang mabalitaan ko yung nangyari kay franky nasa Palawan na ako nun, nalungkot ako sa nabalitaan... actually sa Sunday pa sana ang uwi ko. napaaga lang kasi gusto kung maka attend kahit sa last days nalang ni franky pero huli na pala ako."

hindi kasi umabot ng one week ang funeral.

"Coleen ayos lang naman siguro yun... " biglang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa relasyon nina Franky at Halley... "umm may alam kaba tungkol kay Halley at---"

"franky? na may relasyon sila? at buntis siya?"

nagulat pa ako pero kalaunan ay nabawi ko din ang pagkagulat. Pano niya naman nalaman gayung nasa palawan siya?

"alam mo? paano?" I asked her.

"mag ex sila... Matagal na silang magkakilala hindi lang halata nung birthday ni khalil, may rules kasi si Halley na after break up..stranger na agad."

hindi ko lubusang kilala si Halley dahil bibihira kolang itong makasama. Si Coleen lang ang palagi kung nakakasama. bestfriend ko eh malamang.

"alam mo ba na mahal na mahal ni Halley si franky? nasaksihan ko mismo kung pano siya umiyak sa sakit at pangungulila. Coleen gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung pano."

M I N E ( L. L. obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon