Chapter 4 🌹

3.3K 37 1
                                    

"I won't let you go..."

"I won't let you go..."

"I won't let you go..."

"ma'am shairah? ayos lang po ba kayo?"

Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakasubsub sa mesa... "ayos lang ako lyka... Medyo pagod lang" Sagot ko at ibinalik ulit sa pagkakasubsub ang mukha.

Narinig ko ang yabag ni Lyka palayo sa gawi ko... Hayst wala ako sa mood lately.. medyo apektado padin ako sa nangyari nung gabing yun.. hindi ako maka pag concentrate at hindi makatulog ng maayos. One week na ang lumipas pero sariwa padin ang kaganapan sa isipan ko..

nung gabing yun... malakas ko siyang naitulak at patakbong lumabas ng venue.. Buti nalang nandiyan yung driver ni Coleen kaya nagpahatid ako pauwi.. hindi ako nakapag paalam kina Geo at Coleen.. Ayoko na kasing mag stay sa lugar na yun lalo na't nandun lang siya sa paligid.

sana hindi kona siya makita... Natatakot ako sakaniya.. gusto kung sabihin kina Geo ang nangyari pero hindi ko ginawa... Ayoko ng lumaki pa ang gulong toh.. At isa pa baka lasing lang siya ng mga oras na yun..

narinig ko ang pagbukas ng pinto.. Tanda na may customer na pumasok.
Tumayo ako at inayos ang sarili... tapos na ang lunch break kaya binaliktad na siguro ni Jes ang closed sign to Open sign sa pinto.

nag-angat ako ng tingin sa customer At parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ng makita ang matangkad na lalaking kani-kanina lang hiniling ko na hindi na makita...

Nanginig ang tuhod ko... Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng puso ko.. Nabibingi ako sa ingay nito.

"tuloy po sir..." salubong ni Arrah at iginaya papasok si Mr. Locksward.

nakatingin lang siya sakin habang naglalakad...mas lumakas pa ang kabog ng puso ko ng tumaas ang gilid ng labi niya.

umatras ako at muntik pang ma tisud... saktong dumaan si Jes sa likod ko kaya napasandal lang ako sakniya at hindi na tumba...

"Madam ayos lang kayo??" may pag-aalala sa boses nito.. umayos na ako ng tayo at ginawaran siya ng ngiti.. "salamat Jes at Oo ayos lang ako, medyo pagod lang." sagot ko.

"ganun po ba madam... Kung ganun po,mag leave na po muna kayo.. Kami na bahala dito para makapag-pahinga na kayo."

"N-aku wag na... Dun na lang muna ako sa may storage room.. titignan ko kung may mga stock paba tayong Harina." pagdadahilan ko.

Tumango-tango lang ito kaya nagpaalam na ako na sa storage room muna..

Shemmsss alam kung nahalata niya na natataranta ako... Kaka check ko lang kasi kanina sa storage room. gagi.
Ang pangit ko talaga magdahilan.

Nang makapasok sa loob... pasimple kung binilang ang laman ng kahon...kahit nabilang kona toh kanina..

Bakit ba siya nandito?? pano niya nalaman kung nasaan ang cafe ko?? ano ba talagang gusto niya?? nananadiya ba talaga siya??

narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon.

"Ma'am Shairah... Gusto daw po kayong makausap ni Mr. Locksward."

Nanlamig ako sa ibinalita ni Lyka.. Jusmee ano bang kailangan niya sakin..

"ano daw kailangan niya?" mahinahon kung tanong... Pero deep inside para na akong mahihimat*y sa kaba.

"Hindi ko po alam ma'am eh.. Pero sa nakikita ko po mukhang may balak po siyang mag invest."

naduling ako dun ha..

"h-ha?? mag i-invest siya??" hindi ko maiwasang hindi mautal..

"hindi po ako sigurado Ma'am pero kung mag i-invest man po siya... Aba'y malaking tulong po yun sa cafe natin."

M I N E ( L. L. obsession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon