MABILIS kaming nakaalis sa bahay ni Jaynard matapos makatanggap ng balita mula sa kaibigan ni Lina na na-locate daw ang bahay na pinagtataguan namin.
kaya ito kami ngayon bumabyahe ng madaling araw.
"baka may malapit na Hotel rito. mag check in na muna tayo." suhesiyon ni Bella.
"Hindi pweyde. malo-locate tayo kapag ginagwa natin yan." sagot ni Lina.
"wala tayong ibang choice ngayon kung hindi matulog rito sa sasakyan." sabi ni Jaynard na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa labas ng bintana. sobrang lalim na ng gabi kaya wala nang masyadong sasakyan.
"Shairah matulog kana... Bawal pa naman sa mga buntis ang mag puyat." sabi ni Bella na katabi ko sa back seat.
"hindi ako makatulog."
Napatingin ako sa harap kung saan mahinang nag uusap si Lina at Jaynard. ano kaya ang relasiyon ng dalawa?
"Bella may relasyon ba silang dalawa?"halos pabulong na tanong ko kay Bella.
"wala..." pabulong rin nitong sagot."pero halata naman na may gusto si Jaynard kay Lina."dagdag nito.
"ahh.."
Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan namin sa parking space ng Resto bar
"anong ginagawa natin sa bar?" takang tanong ko.
"Lina alam kung lasenggera ka pero ilugar mo muna yang alak pweyde? "sabi pa ni Bella.
sumulyap naman samin si Lina mula sa passenger seat. "sa mga dinaanan natin ito lang ang may pinakamalapit na parking space...at No hindi ako iinom."sagot nito bago ibibalik ulit sa harap ang attention.
"Magpahinga na tayo. iidlip na muna ako." sansala ni Jaynard at bahagya pang ibinaba ang kinauupuan nito para mas maging comportable ito.
"magpahinga kana Shairah, kahit para sa baby mo nalang. "
tinanguan ko lang si Bella at ibinalik sa labas ang attention. napayakap nalang ako sa sarili at sumandal sa back rest. lumipas ang isang oras ay gising padin ako habang tulog na ang katabi ko. pati narin si Jaynard na nasa driver seat nakatulog na.
unti-unti na sana akong dinadalaw ng antok ng marinig ang pag bukas ng pinto mula sa passenger seat. lumabas si Lina at natanaw ko mula sa bintana na naglakad ito papasok ng bar.
"iinom ba siya?" takang tanong ko sa sarili. naghintay muna ako sandali bago nag desisyon na bumaba ng sasakyan.
hahakbang na sana ako para sundan siya ng makitang lumabas ito ng Bar. natigilan pa ito ng makita ako pero kalaunan ay naglakad ito papalapit sakin.
"Bakit gising ka pa? alam mo bang masama sa buntis ang magpuyat?" agad na tanong nito sakin ng makalapit. agad dumako ang tingin ko sa isang bote ng alak na hawak niya.
"Lina ang sabi mo kanina hindi ka iinom?"tanong ko rito.
"ahh ito ba." sabi nito at bahagya pang itinaas ang hawak na alak. "pampaantok lang." dagdag nito.
naglakad ito at naupo sa gilid at dun ipinagpatuloy ang pag-inom.
mukhang nahihirapan talaga siya. hindi niya matanggap ang nangyari kay Lindsey at kung ako man ang nasa posesiyon niya. ganyan din ang mararamdaman ko.
naupo ako sa tabi niya para samahan siya.
"hindi ako naniniwalang wala na siya..." salita nito at tinungga ang bote ng alak bago nagsalita ukit. "may katawan nga na nakita sa second floor ng bahay pero mali yung pakiramdam ko eh... k-kahit sunog yung katawan alam kung hindi siya yun."
BINABASA MO ANG
M I N E ( L. L. obsession)
Mystery / Thriller*** Shairah was Living happy and contented in life with her boyfriend and bestfriend...Not knowing that someone was lurking around and patiently waiting for the right time to appear and take over what's his...Mine. Luxerious Locksward known for bei...