0. 26 - Hapag

19 4 8
                                    

"Kain na!" pagtawag sa amin ni Mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kain na!" pagtawag sa amin ni Mama. Kan'ya-kan'ya naman kaming lumabas ng mga kapatid ko sa aming mga kuwarto.

Agad kaming umupo sa aming mga puwesto at naghihintay sa pinggan na ngayo'y unti-unti nang inilapag ni Mama sa aming harapan. Gano'n din sa kubyertos.

Halata sa aming mga mukha ang pananabik sa kan'yang inihanda para sa amin ngunit, nawala 'yon nang tuluyan nang ipuwesto ni Mama ang ulam.

"Tuyo na naman?!" Bagsak ang mga balikat kong tanong kay Mama ngunit ramdam ko ang mahinang pagsiko ng kapatid kong lalaki kaya wala akong nagawa kundi ang kumuha na rin ng ulam.

"Maraming salamat dito, Mama!" masayang aniya ni Dani. Ang bunso naming kapatid. Siya lamang ang nag-iisang nakakitaan ko nang sabik ngayon sa ulam. Hindi kasi siya mapili sa pagkain. "Mama, puwede po bang marami akong kukuning ulam dito?" Mas lumawak ang ngisi niya nang agad namang tumango si Mama.

"Sa kuwarto lang po ako kakain." Agad akong tumayo saka dinala ko ang basong tubig at ang pinggan kong may lamang kanin at ulam. Mabilis naman akong nakapanhik sa aking kuwarto. "Akala ko ba masarap ang agahan namin ngayon. 'Yan pa naman ang sinabi ni Mama sa amin nakaraang araw pero, hindi niya nagawa. Kaya nakakawalang-ganang kumain sa hapag, e. Nang dahil lang din sa hindi matupad-tupad na mga pangako ni Mama."

Nakatingin ako nang diretso sa pagkain ko. Blanko ko itong tiningnan. Mayamaya'y dumako sa mga paningin ko ang sarili kong basurahan sa kuwarto. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama saka tumungo sa basurahang malapit lang sa aking bintana.

Itatapon ko na sana 'yong pagkain ngunit 'di ko 'yon naituloy nang makita ko si Dani sa labas na bitbit 'yong pinggan niyang may maraming kanin at ulam. Nabigla ako sa sumunod na nangyari, iniabot niya ang pinggang iyon sa isang matandang pulubi na may kasamang batang kasing-edad lang din niya sa pagkakatiyansa ko. Mas nagpabigla sa akin nang umupo si Dani kasama nila at sabay nilang pinagsalu-saluhan ang pagkaing inihanda ni Mama.

Napatingin akong muli sa aking pinggan saka ko dahan-dahang ginalaw ang kanin at ulam. Napangiti ako bigla. Ngayon ko lang nahinuha, mas masuwerte pala ako kaysa sa iba. Ako may nakahandang pagkain sa hapag...

Ang iba, wala.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon