Sa paggising sa umaga'y dinig ko na ang aking pagbuntonghininga,
tila ba'y mabigat para sa akin ang harapin ang umaga,
dahil sa katunayan lamang,
ako na'y nawawalan ng pag-asa.Ilang mga dagok na ang pilit akong ipinapatumba,
pinapabatid sa akin na ako'y walang-kuwenta,
ngunit sa kabila ng mga delubyo't sakuna,
'di ko maakalang hanggang ngayon ako'y buhay pa.Binangga man ng mga problema,
pagtiis na lamang ang tanging aking magagawa,
pinipilit sa sariling ipamukha,
kalayaang hinahanap ay muli ring matatamasa.Kung ngayon man ay hindi muna ako makakawala,
hihintayin ko na lamang ulit ang pagsapit ng umaga,
patuloy na magbabasakaling ang mga naranasang problema,
sila rin ay aalis at 'di na muling babalik pa.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Randompinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...