Chapter 35

144 3 6
                                    

Hay, magiisang taon na kami dito, hindi ko na nakakausap masyado si ranz. Sobrang busy na nya lagi, or baka wala lang siguro talaga syang time kausapin ako. Hindi na sya nagrereply sa mga chat ko, kung magrereply man sya, laging one word nalang. Tinatanong ko sya kung anong problema, di naman nya sinasagot. Ganto ba talaga pag long distance?

"Break na daw po kayo ni ranz?"

May nagmention sakin bigla sa twitter.. Hindi ko nga alam kung anong isasagot ko sa tanong na yun eh. Kasi kahit ako, hindi ko alam kung kami pa ba.

@awesomenikka: hindi ko alam kung may nagawa ba ko.. Does ldr work like this?

Ang dami nagreact sa tnweet ko. Pero yung taong gusto ko magreact, hindi nagreact. Ranz, bakit ganto? Sagutin mo naman yung mga tanong ko sayo.

Nikka: ranzzzyyy may problem ba tayo?
Nikka: kyle kyle kyle
Nikka: i miss you please talk to me
Nikka: ranz kyle viniel evidente ongsee :(
Nikka: why are you like this
Ranz: ano nanaman
Nikka: anong ano nanaman? Di ka nagrereply sakin, ano na? Bat ganyan ka?
Ranz: wala sa mood
Nikka: lagi ka nalang wala sa mood
Ranz: pwede ba nikka? Wag ngayon
Ranz is offline

Nagulat ako nung nagoffline si ranz, madalas sya di nagrereply pero di naman sya nagoffline bigla dati. Nalungkot ako pero alam ko naman na sa ganto din mauuwi to eh. Sino bang nagtatagal sa long distance relationship diba? Akala ko kami ni ranz ang magpapatunay dun eh. Hindi pala.



"Nikkaaaa! May good news ako sayo!" Pumunta si mommy sa kwarto ko, umaga na nun at kakagising ko lang.

"Ano po yun?" Sabi ko sa pinakamalungkot kong boses.

"Oh? Bakit ganyan ka? Ang tamlay mo" sabi ni mommy sakin. Napaiyak na ko sa tanong nya.

"Break na kami ni ranz" sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit. "Bakit ganon? Parang sobrang dali sa kanya na tapusin nalang lahat porket magkalayo kami sa isat isa"

"Baka naman nabigla lang din si ranz. Nikka, intindihin mo si ranz, malayo ka sa kanya"

"Paano naman ako ma? Sinong iintindi sakin? Nahirapan din naman ako eh" sabi ko. "Pero triny ko yung best ko kasi ayaw ko mga mauwi sa ganto pero bat ganun"

Niyakap lang ako ni mommy at hinayaan akong umiyak.

"Alam mo nikka, akala ko matutuwa ka sa sasabihin ko" napatingin ako kay mommy. "Alam mo kasi, pumayag na ang daddy mo na magbakasyon tayo sa manila, tayong dalawa lang."

"Pero ngayon... Feeling ko bad news yun para sayo. Sana pala tinanong muna kita bago ako bumili ng ticket natin"

Nagulat ako. Bat kung kailan ayokong bumalik sa pilipinas tyaka kami babalik.

"Okay lang po.." Sabi ko nalang, pero ang totoo, ayokong makita si ranz. Or kahit na sino pa man sa maynila.

Umalis na si mommy sa kwarto ko pagkatapos nya kong patahanin. Tinignan ko yung twitter ni ranz

@ranzkyle: single :) haha

Nagbreak kami ni ranz last week pa, pero ngayon lang sya nagtweet ng single. At ngayon, official na nga. Break na talaga kami.

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon