kailangan na mag spice up ang story. hahahaha =)) sorry kung puro away sila or drama :p bawi nalang ako ng kilig moments soon. im going for a realistic kind of relationship.. at alam naman nating lahat na di mawawalan ng issue pag boyfriend mo ang isang ranz kyle chos =))))) tyaka more issues, mas matagal ang story hehe love you all!! xx leave comments <3
-
"Bakit bigla mo naman ako niyaya kumain sa labas?" Sabi nitong kasama ko na walang iba kundi si Oliver. Tinawagan ko kasi siya kanina, sabi ko kain kami sa labas. You know, lunch. Nagtataka siguro to kasi di naman ako nagyayaya talaga.
"Wala lang." Sabi ko sa kanya. Nasa mcdo kami ngayon eh.
"Hindi Nikka, may kailangan ka talaga" Sabi niya sakin.
"Ay grabe oliver, nagyayaya lang ba talaga ako pag may kailangan ako?" Sabi ko sa kanya sabay subo ng isang pirasong fries.
"Di naman sa ganun, pero feeling ko may gusto ka kasing itanong" Sabi ni Oliver.
Galing naman makasense nito. Alam niya agad na may kailangan ako sa kanya at may gusto nga akong itanong. Kasi naman, ilang araw din akong di makatulog nung nabasa ko yung minention sakin na ex ni ranz tong Rhea Kim eh wala naman akong nababalitaan na rhea kim, ngayon ko lang siya narinig.
"Ilan mga naging ex ni ranz? Kilala mo ba lahat? Diba si trisha yung latest?" Sabi ko. sunod sunod pa.
"Teka teka lang. Easy ka lang sa mga tanong mo nikka" Sabi ni Oliver sakin. Ay napasunod sunod pala tanong ko. "Alam kong may isa ka lang talagang gusto malaman. Yun na muna itanong mo sakin"
"Yung keychain sa bag ni ranz.. sino nagbigay?" Sabi ko ng dahan dahan, pinapanuod ko expression ni Oliver. Mukhang nagulat siya pero mabilis naman nya nabalik sa dati yung expression nya.
"Diba sinabi na nga ni ranz? Fan daw" Sabi ni Oliver tapos umiwas ng tingin. Nagsisinungaling to eh. Ramdam na ramdam ko.
"Yung totoo nga berlans" Sabi ko sa kanya.
"Di ko alam. Kayong dalawa kaya ang magusap, bakit kasi sakin mo tinatanong to? Idadamay niyo nanaman ako. Huhu" Sabi ni Oliver. Oo, ginawa niya talaga yung 'huhu' sound.
Oo nga naman, bakit ko ba siya dinadamay dito? Ayoko din kasi magtanong kay ranz. Ayokong mag away kami. Kaya gusto ko may alam na ko beforehand para di na ko magugulat sa kung ano mang sasabihin nya. And si oliver lang talaga yung naisip kong lapitan.
"Sabi mo, pag kailangan kita, lapitan lang kita" Sabi ko with a pout.
"Ayyyy, Nikka Gonzales. Wag mo gamitin sakin yung pagpapacute mo" Sabi ni Oliver sakin sabay bato ng tissue. Pero di ako magpapatinag! Nag puppy eyes ako. "Ano ba yan, Sige na nga eto na sasabihin ko na."
Ayyy, Win talaga pagpapacute ko. Alam ko namang di ako matitiis nitong si Oliver eh.
"Basta, kalma ka lang ha?! Tyaka di ko din naman alam whole story. I told you, mas okay kung si ranz kakausapin mo tungkol dito." Sabi ni Oliver sakin.
"Edi sabihin mo nalang sakin yung alam mo.. you know" Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang si Oliver, alam niya sigurong di ako magpapatinag.
"Yung keychain sa bag ni ranz, galing kay Rhea.. Rhea Kim. RK din diba? Ayun. RK keychains." Pasimula ni Oliver. "Ex yun ni ranz. After trisha, ayun. Rhea."
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
Roman d'amourA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.