kamusta holy week niyo? enjoy reading! leave comments xx di niyo alam kung gaano ako natutuwa pag nababasa mga comments niyo T__T loveyou guys xx
@michixxxi
-
Nung isang araw pa nakauwi sila Ranz pero di padin kami nagkikita kasi masyado siyang busy. Kahit magkatapat lang naman bahay namin. Halos 4am or 5am na din siya nakakauwi. Masyado na siyang sikat, di na mareach. Okay joke. Pero lagi padin naman nya ko tinetext ng mga long messages na of course, super appreciated! Dahil alam ko kung gaano siya katamad magtext.
Calling: Oliver
Ay, bigla naman napatawag to? Wala lang. Di lang ako sanay. Nung nasa Lucena sila, Si Oliver at Ranz talaga katext ko eh.
Nikka: Bakit ka napatawag?
Oliver: Wala lang. Kamusta kayo?
Nikka: We're more than okay! Wag ka nga mag worry. Ako nga feeling ko, nagworry lang talaga ako sa wala.
Oliver: Basta, I'm always here
Nikka: I knooow. Pero seryoso ver, hanap hanap na din ng girlfriend.
Oliver: Ihanap mo ko. Haha joke lang syempre
Nikka: Ayyy, Bakit ba? Ayaw mo?
Oliver: Alam naman natin kung sinong gusto ko diba?
Oliver: Oh natahimik ka naman. Hahaha. Joke lang sige. Para di ka ma awkwardan.
Nikka: Sira ulo ka.
Oliver: Oo, alam ko.
Nikka: Sige na, bye na.
Oliver: Uyy, awkward sya. Haha sige bye.
END CALL
Kung magkasama kami ni Oliver nung sinabi niya sakin yun, binatukan ko na siya ng very hard. Alam naman niyang pinagseselosan padin siya ni Ranz eh tapos gaganun. Sabagay, okay naman na ata sila ni Ranz eh.
Chineck ko nalang yung twitter ko dahil boring sa bahay. Hirap talaga buhay bakasyon. Pero baka mag bora kami nila Bea.. with Chicser? Di pa sure kung kasama sila eh. Basta kami nila Bea sure na sure pa sa sure.
@awesomenikka: i miss @ranzkyle :(
Chineck ko din twitter ni Rhea, wala siyang bagong tweets. Yung Lucena baby padin ang pinaka bagong tweet sa twitter niya. Hmmm, Bat kaya? May nangyari ba sa lucena na di ko alam!? Okay, kunwari legal wife. Sure naman ako na wala.
@ranzkyle: @awesomenikka i miss you more mahal ko
Bigla bigla nalang nagrereply to si ranz, tapos ibang tawag nanaman sakin. Ang dami dami na niyang tawag sakin. Baby, Sweetheart, Mrs. Ongsee, Ongsee at ngayon pa nga, Mahal ko. Welcome to the list! Di naman sa nagrereklamo ako. Sweet nga eh.
@awesomenikka: @ranzkyle mahal ko naman ngayon :((
Break siguro nila ngayon. Nagpapractice kasi sila sa viva ngayon eh. May concert eklabu ata sila na pinaghahandaan. Kaya nga busy na busy sila hindi maistorbo, kaiyak. Pero ayan, Sabog notification is sabog. Di na siya nagreply dun sa tweet ko sa kanya. Siguro nagpapractice na ulit sila.
From: Bea
Message:
tignan mo twitter nung rhea kim
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomansaA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.