Chapter 27

589 15 1
                                    

walang kwentang chapter ahead huhuhu nakakatamad lol kailangan alisin ang katamaran~ medyo tinatamad nga kaya medyo mabagal din usad ng ideas :'( sorryy~ xx

@michixxxi

--

Mamaya na yung celebration namin ng birthday ni Oliver bago sila pumunta ng Cagayan. At magkikita kami ngayon para interviewhin siya. Chos. Kakain lang kami ng lunch. Alam ni ranz to, as in todo selos nanaman siya pero wala naman siyang magagawa dahil para to sa birthday party.

Pagpunta ko sa yellow cab, Umupo muna ako dun. Wala pa kasi siya eh. And yes, sa yellow cab kami maglalunch. Pizza lang. Diet naman kami pareho. 

From: Ranz

Message:

Hayyy grabe nagseselos talaga ako! :( Lunch lang yan ha!!! mwa i love you

Natawa ako sa text ni Ranz. Baliw talaga to. Napangiti tuloy ako.

"Nagtext si Ranz 'no?" Biglang may nagsalita sa harapan ko. Napatingin tuloy ako. Si Oliver na pala.

"Nandyan ka na pala" Sabi ko.

"Picture lang talaga to" Sabi ni Oliver.

"Baliw ka. Order ka na." Sabi ko sa kanya.

"Libre mo ba to?" Sabi ni Oliver. "Joke lang syempre. Ako taya"

Tumayo na nga siya at umorder ng isang buong pizza para saming dalawa. Diet pero isang buong pizza, Ugh naman yan. Pero ayun nga. Medyo tahimik kami dito. Kumakain lang. 

"Kamusta si Ivy?" Sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Nagkakatext kami. Nagkakausap" Sabi ni Oliver. "Mabait siya. Maganda. Madaling maging kaibigan" 

"Dibaaa? Sabi sayo eh" Sabi ko.

"Pero alam mo naman diba?" Sabi ni Oliver tapos ngumiti sakin. Tumingin ako sa kanya. "Ahhh. It'll take time siguro. Ikaw kasi eh"

"Sorry." Sabi ko. "Feeling ko tuloy ang sama sama ko kasi tinutulak kita kay Ivy."

"Wag kang magsorry. I'm actually thankful. Masaya kausap si Ivy. Nakakalimot ako. Hindi mahirap mainlove sa kanya" Sabi ni Oliver. "Pero di pa siguro ngayon. Ayokong manggamit ng iba para makalimot"

"Thank you kasi ang bait bait mo. And I'm thankful din kasi pinakilala ko sayo si Ivy. Dahil kung magiging kayo man in the near future. Alam kong di mo siya sasaktan diba?!" Sabi ko.

"Syempre hindi. Alam ko kasi yung nararamdaman nung mga sinasaktan" Sabi ni Oliver sabay tawa. "Joke lang yun."

"Sinaktan ba kita Oliver?" Sabi ko sa kanya. Seryosong tanong. Tumingin siya sakin.

"Sinaktan mo unintentionally. Choice kong masaktan Nikka. Wala kang kasalanan" Ngumiti sakin si Oliver. "Naiintindihan ko naman na hindi mo kayang ibalik yung nararamdaman ko."

"Tyaka natatakot din ako kay ranz. Kahit mas matangkad ako dun, malakas parin sumuntok yun!" Sabi ni Oliver, tumawa kaming parehas.

"Di ka susuntukin nun! Ako muna susuntok sa kanya" Sabi ko. 

"Okay lang ba kay Ranz na sabay tayo naglunch ngayon?" Tanong ni Oliver. "Balita ko pinagseselosan daw ako ni ranz, bigtime" 

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon