"So, wala na talaga kayo?" Tanong netong si Bea na kain ng kain dito sa mcdonalds. Kung makasubo ng french fries akala mo wala ng bukas. Di na ko magtataka kung mamaya mamatay to dahil nabulunan or what eh.
"Bea, Dahan dahan naman ano? Para kang patay gutom eh. Nakakahiya naman sa mga nakakakita diba?" Sabi ko.
Tapos biglang umiyak ang bruha!? Jusko po ano ba yan, habang sumusubo ng french fries, biglang umiyak ano ba naman to?
"Uy, uy teka lang bat ka naman umiyak?!" Sabi ko, habang binigay yung lahat ng tissue sa kanya at tong panyo ko.
"Kasi, kayo ni ranz, nagkausap pa kayo ng matino. Eh kami ni cav?! Wala!! Nganga kung nganga!!!!" Magiiskandalo pa ata dito sa mcdo tong si Bea, jusko. Sasapakin ko to kung di ko lang bestfriend to eh.
"Uy, wag ka ngang ganyan! Nakakahiya naman to eh. Wag kang sumigaw dito. nasa mcdo tayo, mahiya ka naman sa mga nakain ng matiwasay at gusto tahimik" Sabi ko
"Kung gusto nila sa tahimik sa sementeryo sila kumain! fast food to" Sabi ba naman ng bruha.
So ayun, pagkatapos namin kumain, hinigit ko na agad palabas ng mcdo tong si Bea. Nakakaasar kasama eh. Sarap ihampas sa tray. But anyway, Ayun nga. After ng paguusap namin ni ranz, Di na kami ulit nakapagusap. Busy na siya sa mga gawaing chicser nya. Ako naman nagpapakabusy sa school.
Di rin kami nagkikita, dahil di ako nalabas ng bahay. Maaga ako naalis para pumunta ng school, alam ko kasi oras ng dating ng service ni ranz. Mas inaagahan ko nalang dun. Pagdating naman sa uwian, medyo nagpapalate ako ng onti para di kami magkasabay. Hayy, Sabi ko sa kanya nandito lang ako para sa kanya dahil fan nya ko. Pero ayaw ko siyang makita. Baka bumigay lang ako.
Eeeh. Nako nikka! Landee! Hampas kita sa pader eh.
"Hay nako Nikka, paano kung makipagbalikan sayo si ranz?" Sabi bigla netong bruhang to, na kumakain naman ngayon ng ice cream.
"Nagpapataba ka ba?" Sabi ko.
"Oo, kasi nakakadepress si cav." Anong connect naman daw kaya nun.
"Alam mo dapat nga nagpapasexy ka para magsisi si cav kasi iniwan ka niya eh, alam mo ba yun?"
"Paano akong magpapasexy ha!? Tyaka di magsisisi yun. Gago ka nikka, pinapaiyak mo nanaman ako hayop ka"
"Eto naman, joke lang" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
So eto, minsan tinetext ako ni Ranz, tapos di niya din ako inuunfollow sa twitter. Alam nyo yung pinapahirapan nya ko magmove on sa buhay ko?! Kasi pagnagttweet ako, finefavorite nya yung iba. Nakakaiyak. And sige, Okay lang yung mga ganun eh. PERO YUNG TINETEXT PADIN AKO!? Naiiyak lang ako eh.
Oy ah, yung nagbabasa nito siguro sasabihin. ang arte ko, pakipot. ang kapal ng mukha etc. Pero kasi, kailangan ko talaga mag move on sa life eh. Saan nalang ako pupulutin diba? Eh kung makahanap ng bago yang si Ranz? Ang dami niya rin namang fan na maganda. Tyaka san ba ko nagsimula? Diba sa pagiging fan lang din? at sa pagpunta punta lang din sa mga mall show.
Eh alam nyo naman siguro tong napakalaking threat sa buhay pagiibigan namin ni ranz na si Jayne. Umaaligid aligid pa din sya hanggang ngayon, nabasa ko nga yung mga tweet nya na tipong ang saya saya nya nga kasi wala na kami ni Ranz, tapos nilalandi na nga si ranz. like as if naman diba? Nagbreak nga kami kasi bawal mag girlfriend yung tao eh.
"Alam mo ba nagkita kami ni Cav nung isang araw." Sabi bigla netong si Bea.
"Ha? Ano? Bakit? Saan?"
"Isa isa nga pwede. Okay, Ganto rin yun eh. Naglalakad lakad ako dito sa megamall. Tapos nakita ko siya. Hahahaha. Nakakatawa nga eh. Ni hindi niya ko ningitian or what. Nagmeet yung eyes namin pero wala. Wala na talaga" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomanceA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.