imbento ng ex ni kyle dahil masyadong maganda si trisha lim para maging kontrabida xx
comments pls love lots hehe
---
"Kadiri kaaaa." Sabi ko kay kyle.
"Anong kadiri dito?" Sabi naman niya sakin habang natawa.
"Ihhh! Kadiri!!!" Sabi ko naman.
Nandito kasi kami sa living room nila. And guess what? Kumakain siya ng balut. Kadiri talaga! No offense pero ayoko talaga ng balut eh. Never in my whole life akong kakain niyan. Tapos tong si ranz, bumili pa para kainin sa harap ko. Hahambalusin ko to ng manok eh.
"Tikman mo kasi. Masarap kaya" Sabi niya.
"Nakauto ka ganun?" Sabi ko.
"Pag di mo tinikman, di mo talaga ako mahal" Sabi niya. Hayuuuup.
"ranz kyle viniel evidente ongsee. Ang pagmamahal ko sayo ay hanggang dito nalang." Sabi ko. Tumawa siya pero hindi naman yun joke. Sorry pero di talaga ako kakain ng balut kahit anong mangyari. Kahit makipagbreak pa siya.. Chos! Pero ayoko talaga eh.
"Dali, isang kagat lang. Di naman yung sisiw eh. Tikman mo lang" Sinusubuan ako ni ranz. Di makaintindi. Huhu
"Ayoko talaga promise. Iiyak nalang ako" Sabi ko sa kanya with paawa effects.
"Sige nga. Iyak ka na" Sabi niya. Binatukan ko siya, tawa naman siya ng tawa.
"Ay ewan ko sayo. Kadiri talaga" Sabi ko sa kanya.
"Eto naman joke lang. Halika nga dito" Sabi niya tapos open arms. Yakap ata kaso may balut pa siyang hawak. Huhu.
"Ay ranz kyle, Maghugas ka muna ng kamay" Sabi ko. Sorry na oo, maarte. Tumawa siya tapos tumayo para pumunta ng kusina at naghugas nga siya ng kamay. Pero bago niya ginawa yun, sinubo niya muna yung balut na natitira. Kadireeeeee.
Pagbalik niya niyakap niya ko agad. "Arte ng baby ko." Sabi niya sakin.
"Cute naman" Sabi ko tapos tumawa kaming parehas.
"Oo nga. Supeeeer cute" Sabi ni Ranz sabay pisil sa pisngi ko. "Kaya bagay tayo eh. Parehas cute."
"Naks namaaaan." Tawa ko sa kanya.
"Teka teka, tinatawagan na ko ni ully eh." Sabi ni Ranz. May practice kasi sila ngayon. sumaglit lang ako sa bahay nila.
"Sige na. Behave ha!?" Sabi ko sa kanya.
"Sino naman pagseselosan mo dun? Chicser?" Sabi niya habang pinipisil yung ilong ko.
"Weeeh yung mga fans mong napunta sa studio. kandong ulit ha?" Sabi ko sa kanya.
"Hindi na pooooo. Eto naman." Sabi niya sakin, pinisil naman cheeks ko. Lamog na ilong at pisngi ko dito kay ranz eh.
"Naninigurado lang po ako" Sabi ko sa kanya
"Wala na po talaga, di na po talaga yun mauulit. Behave na behave lang po talaga ako! papabantay ako kay oliver" Sabi niya sakin habang nag hope to die movements pa sya.
"Bakit kaya kay oliver?" Sabi ko sa kanya
"Syempre, gusto ka nun eh. Kaya pag may gagawin akong di maganda, sasabihin nun sayo" Sabi niya sakin tapos nag peace sign.
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomanceA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.