Nawalan po kasi ako ng laptop kaya ngayon lang ulit ako nakapagupdate ^^
To be very honest, Hindi ko na dapat talaga iuupdate to. Kaso love ko yung readers hehehehehe love you all mwaps
xx
from: Sarah
Message:
HOY ANO ITONG NABABASA KO NA SINGLE KA NA SINGLE NA SI RANZ SINGLE NA ANG BUONG SAMBAYANAN BAKIT HINDI KO TO ALAM ANONG NANGYARI
Biglang nagtext si Sarah. Hindi ko naman kasi gustong makipagbreak eh. kaso ano bang choice ko? Si tito Nino na ang nakiusap sakin. Hindi ko naman pwedeng baliwalain yun.
to: Sarah
Message
Mahirap i explain sa text eh :) basta single na kaming lahat. Wala na talaga.
Calling: Ranz
biglang tumatawag si Ranz. Pero ayoko talaga makipagusap sa kanya. kasi baka mawala ako. baka bumigay ako. Eh eto pa namang si ranz, onting pacute lang. ok na agad ang lahat.
kaya pinatay ko yung cellphone ko. binuksan ko nalang yung laptop ko at nag facebook at twitter.
pagkabukas ko ng facebook ko tadtad ako ng messages galing kay ranz
Ranz: Nikka :(
Ranz: hindi na ba talaga pwede
Ranz: mahal na mahal kita
Ranz: nikka please magreply ka
Ranz: nikka hindi ko alam gagawin ko pag nawala ka
Ranz: nikka :(((((
Ranz: nikka, maiintindihan naman siguro ng fans diba, ang tagal na natin e. naintindihan naman nila diba? 1 year na din tayo. wag naman natin sayangin yun. nikka sana sinasabi mo sakin kung may problema ka or kung may problema ba tayo. hindi ko kayang mawala ka. mababaliwala lang ba lahat ng effort ko? nikka :(
Nung nabasa ko yung last message nya na mahaba, naiyak na ko. Hindi naman sa sinasayang ko yung effort nya, pero fan din ako nuon. Naiintindihan ko yung nararamdaman ng fans. Syempre kailangan mong intindihin na may girlfriend na yung idol mo, kailangan mo sumaya kung saan sya masaya. pero ang sakit kaya nun. Ang sakit tanggapin na yung kinababaliwan mo, Hindi na nga nya alam na nageexist ka, eh may girlfriend na.
Mahirap din yung sitwasyon ng mga fans. Alam kong mahal na mahal nila si ranz.
@SARAHcastic: "@awesomenikka UNA SA LAHAT DI KO ALAM PROBLEMA MO HA PERO KAUSAPIN MO KO PUNTA AKO DIYAN IN 15MINS MAGREADY LANG AKO"
Biglang nagmention si Sarah. Hayy, Ayoko pa talaga pagusapan yung break up. Hindi ko pa nga nakkwento kay Bea at Camille eh. pero kailangan ko naman talagang ilabas to eh. Baka mabaliw ako dito.
Ayun after 15 minutes nga talaga, nasamin na si sarah.
"So, ano ngang nangyari?" Sabi ni Sarah
"Kasi nga, bawal na mag girlfriend ang chicser."
"SO? Nakipagbreak si Cav at Ranz sa inyo ni Bea? Oh wait, nakausap ko kasi si ranz, kasi nga parang zombie na yun. IKAW ANG NAKIPAGBREAK KAY RANZ. Ano bang meron ha?"
"Nakiusap kasi sakin si Tito Nino. Hindi ko naman matanggihan yun eh. Career ni ranz pinaguusapan natin dito. Chicser na si ranz di pa nya ko kilala."
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomanceA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.