Chapter 38

276 9 13
                                    


"Si nikka! Nandito para magbakasyon for 1 week. Binisita ata tayo" Masayang sabi ni cav para maalis yung awkward vibe na meron ngayon saming lahat.

"Napadaan lang talaga ako dito. Hinatid ko lang sila." Ngumiti nalang ako. Nakatingin padin ako kay ranz, at nakatingin lang din sya sakin. Bigla syang hinawakan nung babae sa kamay kaya napatingin si ranz dun sa maliit na babae. Napatingin nalang ako sa gilid ko, which is si Oliver.

"Gusto mo gala muna tayo" Ngumiti sakin si Oliver. Ngumiti lang din ako sa kanya.

"De, okay lang. Napadaan lang naman din talaga ako eh." Sabi ko.

"Ayaw mo magstay muna? Tagal mo di bumisita ah" Sabi ni ranz sakin, lahat kami napatingin sa kanya. Pati yung babae sa tabi nya.

"Wala naman na tayo masyadong ippractice ah?" Sabi ni Ully kay ranz.

"Meron pa ah. Isang sayaw pa." Sabi ni Ranz sa kanya.

"No. Ayos lang. May gagawin din ako e" Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Oo nga babe, wag na. Baka busy pa sya" Sabi nung babae sa tabi ni Ranz.

"Di mo ba kami ipapakilala sa kanya? Di pa namin kilala nila camille yan eh. Di naman siguro kami iba sa grupo nyo diba?" Sabi ko kay ranz. Napatingin sakin si Oliver, ngumiti lang ako sa kanya.

"Kilala na kita" Sabi nung babae sakin.

"Ako, hindi kita kilala." Sabi ko sa kanya.

"Girlfriend ko, Si Shaira" Sabi ni Ranz.

"Oh I see." Sabi ko. "Do I need to introduce myself pa? sa kanya?"

"No need. Kilala naman kita. EX, am I right?" Sabi ni Shaira.

"Sasabunutan ko to, pigilan mo ko" Bumulong sakin si Camille.

"EXtremely gorgeous" Bulong ni Bea.

"Yeah, ex. Kasi hindi meant to be eh" Sabi ko nalang sa kanya.

"OKAY. TAMA NA YAN. Kala ko ba magppractice tayo? So tara na!" Sabi ni Owy at umuna na pumasok sa loob ng studio.

Sumunod nalang kami, pero medyo nahuli kami nila Bea.

"Etong babaeng to, ang chaka chaka naman. Ano ba pinagmamalaki neto? Na siya yung pinalit ni ranz sayo?" Sabi ni Camille. "Eh di naman yan papatulan ni ranz kung di ka umalis papuntang canada eh. Wag syang ano ha. 2nd option lang sya"

"Huy, tama na camille. G na G ka lang?" Sabi ni Bea. 

"Mali ko siguro yon no. Yung umalis ako." Sabi ko.

"Hindi mo mali yun! Di mo naman choice umalis eh. Tyaka ikaw nga wala kang ginawang kalokohan dun. Di ka naghanap ng iba habang magkalayo kayo" Sabi ni Bea. "Kasi alam mo, kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa kung mahal niyo talaga, di papasok sa isip mo makipag usap or makipag landian sa iba. Just because malayo kayo sa isa't isa, doesnt mean you cant be loyal."

"Ang haba ng speech natin friend ah." Sabi ni Camille. "Pero korek ka dyan!"

"Hay nako, tara na. Past is past. hayaan na natin si Ranz." Sabi ko at hinigit ko silang dalawa para makahabol naman kami kela Oliver.




"Di ka nasaktan?" Sabi ni Oliver sakin, Kaming dalawa nalang magkasama. After kasi ng practice hinatid na ni Cav si Bea at si Owy naman kay Camille. Nag aya pa si Oliver na magkwentuhan kami kaya eto kami. Nasa skygarden sa trinoma. Minsan may lumalapit kay Oliver para magpapicture, at sakin din minsan. Nagtatanong kung kelan ako bumalik dito.

"San ako masasaktan?" Sabi ko sa kanya, habang nakaupo kami sa bench ng kitkat.

"Yung kanina. Yung kay ranz" Sabi ni Oliver sakin.

"Masakit." Ngumiti ako bago sumagot. Medyo naluluha pa nga ako. "Kasi alam mo, Wala naman kaming proper break up eh. Di kami nagusap, di ko alam yung rason. Bigla nalang nawala lahat. Nawala lahat ng binuo namin, nawala lahat ng pinaghirapan ko"

"Hindi ko din alam dyan kay ranz kung anong turnilyo ba ang nahulog sa utak nyan eh" Sabi ni Oliver. "Biruin mo?! Nikka Gonzales na pinakawalan nya pa! Ang tanga tanga nya"

"Pinalitan nya pa no?!" Sabi ko, at tuluyan na nga akong napaiyak. Niyakap ako ni Oliver. Buti nalang wala masyadong tao dito sa skygarden. Ngayon lang din kasi talaga ako nakapaglabas ng sama ng loob tungkol dito. Tungkol sa nangyari.

"Lahat kami nagulat." Sabi ni Oliver. "Nung may dinala syang bagong babae sa studio. Tinanong namin kung sino, mahal nya daw yung sagot nya. Hindi namin alam irereact namin non. Nagalit ako kay ranz. Sabi nya sakin, Break naman na daw kayo. Kunin na daw kita kung gusto ko"

"That time, gustong gusto ko sya suntukin. Kasi sobrang gago nya. Sinaktan nya yung babaeng pinakawalan ko para sa kanya, yun pala, papakawalan ka din nya para sa iba." Sabi ni Oliver. 

"Sorry, kung sayo pa ko naglabas ng sama ng loob tungkol kay ranz" Sabi ko kay oliver, kumawala na ko sa pagkakayakap nya.

"Ano ka ba, ayos lang. Wala lang naman yun eh. Ituring mo ko bilang bestfriend mo!" Sabi ni Oliver at natawa sya.

"May favor pala ako" Sabi ko sa kanya.

"Ano yun?" Sabi niya.

"Ikwento mo naman sakin yung nangyari kay ranz habang wala ako dito" Ngumiti ako sa kanya. At ngumiti lang din sya.

"Mahal mo talaga no?" Sabi ni Oliver.

"Sobra eh" Sagot ko sa kanya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon