Chapter 7

1.3K 31 21
                                    

 Wassup guys. Hahaha. Enjoy reading :)

Tweet me, @MCHMRN :)

Dedicated to: ClumsyWriterhazel

--------------------------------------------

Nandito ako ngayon sa may labas ng bahay namin, Nakaupo lang ako dito, inaantay ko si ranz. 

Calling: Camille

Nikka: Oh?

Camille: Okay ka lang?

Nikka: Bat naman hindi magiging okay?

Camille: Well.... Si Bea.. Yung situation... basta ayun.

Nikka: Okay lang ako.

Camille: Uhm... Kayo.. padin?

Nikka: Eto magbbreak palang.

Camille: HA ANO WAIT ANO?

Nikka: Basta ayun..

Camille: Nikka kausapin mo ko ano ba yan minsan na nga lang eh

Nikka: maya nalang, nandito na si ranz. bye

*END CALL*

"Tito Nino.. Uhm, Si ranz po?" Nakita kong bumaba ng kotse si tito nino, akala ko kasama nya si ranz, kaso wala eh.

"Mamaya pa dating nun. Uhmm, Nikka pwede ba kitang makausap?" 

"Opo naman po, Tito. Kayo pa" Sabi ko.

"About to sa inyo ni ranz. Alam ko naman na mahal nyo yung isa't isa eh. Pero diba sabi nila, Kung kayo talaga, kayo. Nikka, Gusto kong humingi ng pabor sayo."

"Parang alam ko na to tito. Gusto nyo po ba, na makipagbreak ako kay ranz?"

 "Nikka, Sorry. Naiintindihan mo naman kung bakit diba? Chicser is chicser."

"Naiintindihan ko po." Sabi ko as I force a smile.

"Thank you, Nikka." Niyakap ako ni tito then pumasok na sya sa bahay nila.

Umiyak na ko. Ano pa bang magagawa ko diba? Tatay na ni ranz yung nagsabi. Ayoko namang sumaway. 

After an hour siguro, dumating na si ranz.

"Nikka..." Lumapit sakin si ranz. Tumayo ako agad tapos binati ko sya na parang walang problema.

"Para mabilis, para matapos na, ako na makikipagbreak." Sabi ko.

Tumingin lang sakin si ranz.

"Kesa ikaw yung makipagbreak, ako nalang. Dun din naman ang punta nito eh."

"Sino bang nagsabi na makikipagbreak ako? Nikka, ipaglalaban kita. Kung mahal ako ng mga fans ko, dapat matuto silang tanggapin kung san ako masaya. Nikka, Wag mo naman akong itulad kay Cav. Pipiliin kita. Kung pinapapili mo ko ngayon, Chicser or ikaw. Ikaw pipiliin ko."

"Wag mong sabihin yan ranz, Matagal ng nandyan yung chicser for you. Mahal na mahal ka ng fans mo kaya di nila kayang makita na may girlfriend ka. Ako na gumagawa ng way para di ka mahirapan. Para walang masaktan"

"Para walang masaktan? Eh ano tong ginagawa mo sakin? Nasasaktan ako. Nakipagusap ako sayo, kasi gusto ko sabihin na ipaglalaban kita, tapos pagdating ko dito, makikipagbreak ka? Ano ba naman yun, Nikka" Sabi ni Ranz.

"Eh bakit di ka nagrereply sa mga text ko!! Bat di ka sumasagot sa mga tawag ko!! Bakit di mo ko kinausap ng mas maaga pa!! Bakit ganyan ka" 

"Kailangan kong magisip, Nikka. Gusto kitang protektahan. Bakit di mo ko bigyan ng chance para gawin yun?"

Di ko alam sasabihin ko. Akala ko kasi, makikipagbreak na sya sakin. Dapat madali na to e. Ang hirap :(

"Nikka please, Wag namang ganito. Kaya naman kitang protektahan eh. Kaya kong gawin lahat. Kaya kong igive up to para sayo."

"Ranz, Mag isip ka naman. Anong igigive up mo? Tong pangarap mo? Para kanino? para sakin? Ayokong magsisi ka. Hindi mo igigive up ang pagiging member mo ng chicser. Isipin mo naman yung fans mo."

"Diba kung totoo silang fans, maiintindihan nila ako? Diba dapat kaya nila akong intindihin? Mahal nila ako, diba dapat masaya sila pag masaya ako?"

"Dumaan ako pagiging fan, ranz. Di naman ganun kadali tanggapin na yung mahal mo, may girlfriend na. Pinapangarap ka na nga lang e. Oo, dapat masaya sila kasi masaya ka. Pero mahirap yun. Di mo maiintindihan kung gaano kahirap yun kasi wala ka naman sa sitwasyon nila."

"Bakit ba gustong gusto mo makipag break sakin? Ano bang problema?"

"Wala." sabi ko.

"Hindi tayo magbebreak, hangga't walang magandang dahilan. Hindi ko tatanggapin ang sawa ka na." 

"Hindi na kita mahal" Sabi ko habang nakatingin ako sa paa ko

It took 5minutes bago sya nakapagreply sa sinabi ko.

"Tignan mo ko ng deretso sa mata." Sabi niya.

Tumingin ako sa mata nya.

"Hindi na kita mahal, ranz." Sabi ko.

Nagulat ako nung nakita ko na umiyak si ranz. Hindi ko siya nakayanang tignan kaya tumingin ako sa ibang direction. 

"Totoo ba to?"

"Bat naman ako magsisinungaling? Wala na ranz. Wala na talaga, Hindi na kita mahal kaya tigilan na natin to. Saktong sakto nga e. Biruin mo, biglang bawal na pala kayo mag girlfriend." Sabi ko.

Di siya nagsasalita. Tinitignan nya lang ako.

"Osya, sige na. Gabi na e. Oy ahh. 1 hour din kitang inantay. Pero yun, bye." Sabi ko tapos papasok na sana ako sa bahay nung biglang nagsalita si ranz.

"I love you."

 Pero di ko siya pinansin, pumasok na ko sa bahay namin.

Pag pasok ko sa kwarto ko, tinatry ko yung best ko na wag umiyak, Bakit ako iiyak? Ano ba dapat kong iyakan? Para sa kanya to. Ako na mag sasacrifice.

Nagonline ako sa twitter. 

@ranzkyle: "why :("

Nung nabasa ko yun, umiyak na ko. Tinignan ko mentions ko, Puro tanong kung anong nangyari and kung kami pa.

@awesomenikka: "single!!!!! :)"

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon