cliffhanger queen ba ko guys :((( hahahaha love you all x leave comments hihi sorry sa mga drama dito hahaha bawi ako sweet moments and happy moments sa mga susunod na chapter~
@michixxxi
--
Nakatingin lang ako kay Ranz. Alam ko naman na nagkita sila. Alam ko naman yun, pero masakit padin manggaling sa kanya. Huminga ako ng malalim tapos hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.
"Okay." Sabi ko nalang tapos tumingin ako sa malayo.
"Okay lang?" Sabi ni Ranz. "Di mo tatanungin kung ano pinagusapan namin?" Sabi niya sakin.
"Dapat ko bang malaman?" Tanong ko, di ko parin siya tinitignan.
"Nagseselos nanaman. Lahat ng insecurities mo, lahat ng problema mo. Anong sabi ko? Diba sabi ko, ayaw kong sinosolo mo sila." Sabi ni Ranz sakin. "Ayokong bigla ka nalang sasabog at magagalit at iiyak na wala naman akong alam"
Naguilty ako sa sinabi ni Ranz. Akong ako talaga. "Nagseselos ako, matagal na. Simula nung nalaman ko na ex mo yung may bigay nung keychain." Sabi ko. Tumingin ako sa kanya. Pinipigilan umiyak. Lagi nalang ako naiiyak.
"Nakikita ko siya noon pa, sa labas ng studio ni Ully." Sabi ko pa.
"Alam ko naman na nakita mo na siya eh. Dahil nga napulot mo yung keychain na yun sa harap ng studio ni Ully." Sabi ni Ranz. "Nung nasa lucena, narealize ko na, napaka insensitive ko nung sinabi ko sayo na importante sakin yung keychain"
"Ang dalas natin mag heart to heart talk ranz. Huhu" Sabi ko sa kanya.
"Ang drama drama mo kasi." Sabi sakin ni Ranz. "Oh, ikkwento ko na yung sa Lucena ha?"
Tumingin ako sa kanya, tumango at ayun na nga, nagkwento siya.
[LUCENA] Ran'z POV
"Rhea!" Tinawag ko siya.
Lumingon siya at ngumiti. Nakita ko din na umiiyak siya. Tumakbo siya palapit sakin tapos niyakap niya ko. Nagulat ako. Pero di ko siya tinulak.
"Rhea.." Sinabi ko nalang.
"Ranz, ang tagal ko talaga hinintay to. Yung makausap ka, yung mahawakan ka. Yung maabot ka ulit" Sabi ni Rhea, Iyak siya ng iyak.
Inalis ko yung kamay niya na nakapalibot sakin. Tinignan ko siya sa mata, nakatingin din siya sakin. Nagtitigan lang kami. Ang tagal na din nung last na nagkita kami. Super tagal na din nung last na nagusap kami.
"Tara. Somewhere na makakapagusap tayo ng matino" Sabi ko sa kanya. Pumunta kami sa parang garden nung hotel. Wala ng tao dahil gabi na nga. Kami nalang nandito. Umupo kami sa may bench dun.
Tahimik lang kami. Puro hikbi lang niya naririnig ko kasi umiiyak nga siya. Tumingin ako sa kanya, pumayat siya. Pero ganun padin yung itsura niya... Maputi, singkit, maganda. Kinuha ko yung keychain na nasa bulsa ko. Binigay ko sa kanya, napatingin siya sakin.
"Binabalik ko na." Ngumiti ako sa kanya. Parang nagulat siya.
"Ranz, can't we give it another chance? Promise, magbabago na ko" Sabi niya sakin, hinawakan niya yung kamay ko.
"Promise, di na ko magpapa apekto sa haters. Di na ko susuko. Iintindihin kita lagi, Di ako magpapakaselfish. Lahat, lahat gagawin ko. I can do better." Sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomanceA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.