1 week na kami ngayon dito sa Canada. Pero araw araw pa din kami naguusap ni ranz. Medyo nagkakaproblema lang sa timezone pero kinakaya naman. Dumaan ang pasko at new year ng magkaskype lang kami lagi. Minsan nga di sya natutulog para sakin. Magpapasukan na ulit sila at matatapos na ang bakasyon. Di ko alam kung paano pa kami magkakausap. Hay.
"@ranzkyle: kakayanin ko lahat para sayo"
Nabasa ko yung tweet ni ranz. Niretweet ko lang yun. Kanina nya pa tinweet yun. Umaga na kasi dito ngayon. So gabi siguro dun. Siguro kumakain na yun. Sobrang nalulungkot ako at nahohomesick dito pero kailangan ko talaga mag adjust.
Ranz: miss na miss na kita :(
Nikka: miss na miss na din kita :( ang hirap pala talaga pag long distance
Ranz: mahirap pero kakayanin diba?
Nikka: wag na wag ka mambababae dyan ha!!!
Ranz: maliban kay mommy, sa mga kapatid ko at sa mga fans ko. Ikaw lang babae sa buhay ko no.
Nikka: ano daw? Ang dami pala haha sa fans palang :p
Ranz: ikaw naman pinakamahal ko sa lahat!! Haha. I love you nikka :) at kahit malayo ka gusto ko iparamdam sayo na araw araw mas lalo kitang minamahal. Namimiss ko na mga yakap mo.
Nikka: hay nako drama mo nanaman ranz kyle!! Hahaha oo na :))
Ranz: pag ikaw may nakitang mas gwapo sakin dyan lagot ka sakin
Nikka: di mo naman malalaman e :p
Ranz: ay ganon :(
Nikka: joke lang poo :*
Ranz: sige di ko naman malalaman diba? Manlalaki kana. Bye
Nikka: selos naman agad to eh! :(( niloloko lang.
Ranz: sige na bye
Nikka: joke lang po baby ko, mahal ko, ranz kyle ko. Ikaw lang mahal ko at kahit makakita pa ko ng sandamakmak na lalaki dito wala padin sila panama sa kagwapuhan ng ranz kyle ko :p
Ranz: cheesy mo naman haha i love you <3Magkausap kami ni ranz ngayon sa skype. Natatawa ako sa usapan namin at lalo ko lang sya namimiss kapag ganto kami kasweet sa isat isa. Tinignan ko mga tweets at mga bagong pictures ni ranz. Hayy, walang kakupas kupas talaga kagwapuhan nito. Lalo lang ako naiinlove. Naalala ko tuloy nung hinatid nya kami sa airport. Kasama nya sila tito nino.
Umiyak si ranz sakin. Habang yakap ako ng sobrang higpit. Yung tipong di ko alam gagawin ko, sasabihin ko. Kasi ayoko naman sya makitang nasasaktan ng ganun. Kaya ayoko ihatid nya ko eh. Pero mapilit talaga sya. Gusto daw nya ko makita. Umiyak din ako ng sobra nun pero nung nasa plane na kami. Gusto ko kasi ipakita kay ranz na kakayanin namin yung ganto. Na matatag ako.
Ranz: babe, inaantok na ko.
Nikka: sige na. Matulog kana. Lagi ka nalang puyat dahil sakin.
Ranz: onga eh. Lagi mo ko pinupuyat ;)
Nikka: sasapakin kita ranz kyle viniel e. Alam ko yang mga paganyan ganyan mo nako
Ranz: hahaha joke lang baby girl :* sige na. Good morning :p
Nikka: sige gooodnight my superman <3
Ranz: goodnight. Mahal na mahal kita.Ayan. Di ko na alam kung ano gagawin ko ngayong buong araw na to. Matutulog na sya. 10am palang dito. Di naman ako masyado nalabas dito. Medyo matagal pa pasukan namin. Grade 11 palang ako dito. Wala padin akong kaibigan. Hayy. Miss na miss ko na sila bea. Nahohomesick nanaman ako.
"Nikkaaa." Tinawag ako ni daddy.
"Po?" Sagot ko.
"Punta ka muna saglit dito may ipapakilala ako sayo" narinig kong sabi nya.
Bumaba ako at pumunta sa living room kung nasaan si daddy. Nandun may kasama syang kaibigan nya ata at yung anak nya na lalaki.
"Ayan. Eto na si nikka" Sabi ni daddy at pinaupo ako sa tabi nya.
"Ang laki laki mo na! Huling kita ko sayo napakaliit mo pa eh" sabi nung lalaki. "Di mo na siguro ako naaalala. Ako ang tito Dan mo"
Ahhh. Naalala ko yung madalas kasama ni daddy sa mga inuman nun. At nung naghiwalay naman si daddy at mommy, dinadalaw nya kami madalas.
"Eto na ngayon si Brix. Lagi kayo magkasama nung mga bata pa kayo" sabi ni tito Dan.
Ngumiti lang si Brix sakin. Naalala ko sya. Close na close kami nyan dati eh. Naglalaro pa kami ng kasal kasalan ganon. Ang tangkad na nya, ang puti pa. Gwapo sya. Pero syempre mas gwapo padin si ranz.
"Iwan muna namin kayo dyan ha." Sabi ni daddy. Sabay kaming ngumiti ni brix sa kanya at tyaka sila umalis.
"Kamusta ka na?" Sabi ni brix
"Okay naman! Ikaw ang kamusta? Wala na nga kong balita kahit ano sayo eh" sabi ko.
"Eto. Ganun padin. Naalala mo pa dati?" Sabi ni brix.
"Alin?" Tanong ko.
"Sabi ko, papakasalan kita pag sumunod ka dito sa canada" sabi ni brix. Nagulat ako.
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomanceA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.