Chapter 32

303 7 5
                                    


Nagaayos na kami ng gamit namin dahil aalis na kami bukas papuntang canada. Kasama ko buong tropa sa pagaayos ng gamit ko. Sila mommy tapos na magayos kahapon pa. Nandito ngayon sila sarah, jude, chicser, bea, camille at syempre si ranz.

"Magiingat ka dun ha?! Omg. English spokening pa naman tao dun" natatawang sabi ni sarah sakin. Medyo malungkot kasi aura dito sa kwarto. Halatang lahat sila nalulungkot sa pag alis ko. Hawak hawak lang ni ranz kamay ko habang ang isang kamay nya tumutulong sa pagaayos ng gamit ko.

"Bakit? Marunong naman ako magenglish." Natatawang sabi ko kay sarah. "Ngayon lang ulit tayo nakumpleto ah. So kailangan pala aalis ako para makumpleto tayo?" Pagbibiro ko pa.

"Grabe naman to. Haha. Paano makukumpleto eh lagi ka sinosolo nyang si ranz?" Sabi ni oliver.

Nito kasing mga nakaraan na linggo, halos araw araw lang kami magkasama ni ranz. Tipong wala talagang makakapaghiwalay samin. Nandito sya sa bahay hanggang hatinggabi, tapos minsan kahit sobrang gabi na sya umuwi, naguusap padin kami sa phone pagkauwi nya. Sabi nya kasi, gusto nya daw akong makasama ng matagal hanggang pwede pa. Minsan di ko maiwasan na maiyak nalang sa kanya lalo na pag iniisip kong pag nasa canada na ko di ko na siya mayayakap ng mahigpit. Di ko na sya maalagaan, di ko na magugulo buhok nya. Hay. Napapabuntong hininga nalang ako.

"Oh." Narinig kong sabi ni ranz. "Nagiisip ka nanaman masyado. Dapat masaya tayong lahat ngayon diba? Dapat masaya last day mo sa pilipinas"

"Oo nga!" Sagot naman ni owy. "At dahil tapos na tayo mag ayos ng mga gamit mo. Baka pwede naman tayong kumain na. Gutom na ko e."

Napatawa kaming lahat nung sinabi ni owy yun. Sakto naman na tinawag na kami ni mommy para magmerienda. Ang ingay namin nung nasa dining table kami, lahat ng memories pinagusapan namin. Nagkwento kami nila bea tungkol sa first gt na pinuntahan namin. Nung kinagabihan na ay unti unti na silang umuwi hanggang sa sila bea, owy, oliver, camille at ranz nalang ang natira.

"Mamimiss kita sobra." Sabi ni bea habang nakahiga sa kama ko. Nagulat ako nung bigla syang nagtakip ng unan para umiyak. "Di ko maimagine na aalis ka na. Mawawala na yung bestest best friend ko. Nung nagmanila ka sumunod ako, pero mukhang di na kita kayang sundan ngayon. Di ko na kaya. Airplane na yun eh. Di tulad ng manila, bus lang"

Lumapit ako kay bea at niyakap sya. "Ano ka ba naman. Ikaw una nakaalam pero di ka naman umiyak. Tapos ngayong last day na iiyak ka? Wag mo nga ko paiyakin. Baka pagpunta ko sa airport bukas namumugto mata ko oh. Edi pumangit pa ko?" Pagbibiro ko, tumawa naman si bea at niyakap ako. Lumapit din si camille samin para sumali sa yakap.

"Guys, magcacanada lang naman ako diba? Di pa ko mamamatay. Pwede naman tayo magskype" sabi ko habang yakap ko sila. "Pwede padin naman magtweet. May snapchat din naman. Ang daming ways. At babalik pa naman ako dito e."

"Aba dapat lang na bumalik ka dito. Papakasalan pa kita diba? Ayoko sa ibang bansa magpakasal" sabi ni ranz. "Ayoko magpakasal sa bansang legal ang divorce, para alam kong di ka na makakawala sakin"

"Jusme naman! Utang na loob, masyadong cheesy na yun pre" sabi ni owy na natawa kaming lahat. Nalimutan na lahat ng kadramahan. Tumayo si oliver at nilapitan ako. Ginulo nya buhok ko.

"Mamimiss kita" sabi ni oliver. "Ang dami ko pang gusto sabihin na di ko masabi. Pero wag ka magalala nikka, babantayan ko si ranz para sayo. Sasaktan ko talaga to pag niloko ka nya habang wala ka"

"Oy! Di ko lolokohin yan no!" Sigaw ni ranz. "Mahal na mahal ko yan e"

"Haha. Oo na" tawa ni oliver. "Ano guys? Tara na. Late na din oh. Iwan na natin yang couple na yan. Moment nila to e. Balik nalang tayo sa paghatid sa airport bukas"

"Sige. Tara na. Para makapagpahinga na din si nikka" sabi ni camille

Niyakap ko sila isa isa. At umalis na nga sila. Naiwan kami ni ranz dito sa kwarto. Tahimik lang habang magkaholding hands kami.

"Sobrang mamimiss ko hawakan tong napakalambot mong kamay" biglang sabi ni ranz na napatingin ako sa kanya. Nagulat ako, kasi naluluha sya. Hinigpitan nya hawak sa kamay ko. "Ikaw lang yung babaeng minahal ko ng ganito. Di ko akalain na mamahalin kita ng ganto kalala. Mas mahal na ata kita kesa sa sarili ko"

"Ano ka ba! Dapat mas mahal mo sarili mo. Sira talaga to" pagbibiro ko para lang maalis yung malungkot na aura dito sa kwarto. Bigla akong niyakap ni ranz.

"Nikka, promise me. Babalikan mo ko dito, okay? Pag di mo na ko kinontact hahabulin kita sa canada. Hahanapin kita saan mang sulok ka ng mundo pumunta." Sabi ni ranz. "Lagi mo kong ittweet, snapchat, skype, lahat lahat ng pwede"

"Oo. Di ako titingin sa iba. Kaya wag na wag ka din titingin sa iba dito habang wala ako ha! Nako" sabi ko. "Ang dami dami pa namang tukso dito!"

"Kahit gano pa sila karami, walang talab yun. Kasi ikaw lang nakikita ng mga mata ko" sabi ni ranz na napangiti ako. Magkayakap lang kami dun. Mga 3 mins siguro kaming magkayakap lang at walang sinasabi.

"Uuwi na ko. Pupunta agad ako dito bukas pagkagising ko." Sabi ni ranz.

"Osige. Matulog ka ng nakangiti ha?!" Sabi ko sa kanya. "Hindi pwede malungkot!"

"Opo ma'am." Tawa ni ranz. "Sige na. Goodnight. Matulog ka na para fresh looking ka bukas sa airport. I love you. Soon to be mrs. Ongsee. Mahal na mahal na mahal na mahal kita."

"Mas mahal kita ranz" ngiti ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit bago ko siga pauwiin.

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon