Chapter 31

281 8 4
                                    

Hindi ko na i bobold and stuff because mobile probz. Hahaha. Ayaw kasi magconnect ng wifi sa laptop ko :) anyway enjoy!

Xx

Magkasama kami ngayon ni Bea. Pinapunta ko siya dito sa bahay namin. Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko. Ilang araw ko na di kinakausap si Ranz. Ilang araw akong school at bahay lang. Pinuntahan ako ni Ranz sa school nun pero hindi ako nagpakita sa kanya. Pinupuntahan niya din ako dito sa bahay pero lagi ko nalang pinapasabi na wala ako dito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Hindi naman pwede na laging ganto nalang diba? Hindi pwedeng iiwasan mo nalang si ranz hanggang sa umalis ka." Sabi ni Bea.

"Alam ko naman yun eh. Pero paano ko sasabihin? Makikipagbreak ako? Makikipagbreak sya? Di ko kaya yun Bea." Sabi ko, naluluha na ko.

"Kailangan ba talaga na may magbreak nikka? Kinaya niyo ni ranz lahat ng problema. Eto ba yung sisira sa inyo?"

"Hindi mo naiintindihan. I'll be staying in canada for good. Paano yun? Long distance kami? Tingin mo ba kaya namin yun? Ang bata pa namin" Sabi ko.

"Naiintindihan ko nikka. Naiintindihan ko kung ano yung gusto mong iparating. Pero ang gusto ko lang din sabihin sayo, don't be unfair. Sabihin mo kay ranz. Wag sakin." Sabi ni Bea. Tama naman siya. Dapat kay ranz ako nakikipagusap ngayon. Hindi sa kanya.

"Have you seen his tweets? Have you seen him? Nakita mo ba kung gaano kalungkot si ranz ngayon because you're not contacting him? Dahil ayaw mo magpakita sa kanya? Don't be unfair nikka" Sabi ni Bea.

Napaisip ako. Umiyak nalang din ako habang niyayakap ako ni Bea. Siguro nga sobrang unfair ko nitong mga nakaraang araw dahil di ko siya kinakausap tapos hindi niya alam yung problema. Hindi ko alam kung ano bang problema sakin. gulong gulo na ko.

"Papapuntahin ko si ranz dito. Please nikka, kausapin mo na siya." Sabi ni Bea.

Napa-oo nalang ako. May point naman kasi talaga si Bea. Kailangan ko na kausapin si ranz. Walang tao ngayon sa bahay. Wala sila Mommy. May pinuntahan. Naiwan lang ako dito at si Bea nga. Sakto sa paguusap namin ni ranz.

after 1 hour siguro dumating na si ranz. Halatang nagmamadali. Iniwan muna kami ni Bea sa living room habang nandun sya sa kwarto ko.

Nakita ko si ranz after ilang weeks ng di pagpapakita sa kanya. After ng ilang weeks na di ko siya kinocontact. Eto sya, nasa harap ko ngayon. Sa totoo lang di ko alam kung anong gagawin ko. Paano to? Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin sa kanya na iiwan ko siya?

"Nikka.." Mahinahong tawag ni ranz sa pangalan ko. "Ano bang nangyayari? Bakit ngayon mo lang ulit ako kinausap? Wala akong kaalam alam. Bigla mo nalang di sasagutin mga tawag ko. Bigla ka nalang di magpaparamdam. Bakit ganun?"

"Sorry. Ang duwag duwag ko kasi na tao. Ayoko naman kasi na mawala ka sakin eh." Sabi ko habang nangingilid na yung mga luha sa mata ko. "Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Di ko alam kung kakayanin ko yung magiging resulta nito."

"Bakit ako mawawala sayo? Nikka. Wala ka ba talagang tiwala sa relasyon na to? Ang tagal na natin oh." Mahinanong sabi ulit ni ranz habang pinupunasan yung luha ko. "Kahit ano pa yan. Kakayanin natin yan. Mahal natin isat isa diba? Walang makakasira nun"

"Ranz.." Tinawag ko siya at derederetso nang tumulo yung mga luha ko. "Aalis ako. Aalis na ko. Anong gagawin natin?"

"Aalis ka?" Nagtatakang tanong ni ranz sakin. "Anong aalis ka nikka? Di ko maintindihan"

"Pupunta na kaming canada. Dun na kami magsstay." Sabi ko. Umiyak na ko ng umiyak. Walang sinabi si ranz. Tinignan ko siya, nakatingin lang sya sakin na para bang hindi alam ang sasabihin sa sinabi ko. Eto na nga yung ayaw ko mangyari eh.

"Ranz.. Ayokong sumama pero kailangan" sabi ko sa kanya. Niyakap ko siya. Nakatayo lang sya dun. "Ranz, magsalita ka naman."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?" Narinig kong bulong ni ranz. Inalis ko pagkakayakap ko sa kanya at tinignan sya. Halatang malungkot na malungkot sya. Lalo akong naguilty sa di pagsabi sa kanya.

"Ranz kasi. Natatakot ako" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mata nya. "Natakot ako na baka makipagbreak ka sakin."

"Wala kang tiwala sakin? Ganun tingin mo sakin? Makikipagbreak dahil lang sa ganito? Tingin mo hanggang dito lang pagmamahal ko sayo? Kahit pumunta ka pa sa ibang planeta nikka, ikaw lang mamahalin ko. Mahal na mahal kita. At kahit ano pang pagsubok yan, umalis ka man. Di ako makikipagbreak sayo."

Naiyak nalang ako sa sinabi ni ranz sakin. Umiyak ako ng umiyak sa kanya habang yakap yakap nya lang ako. Sana pala matagal ko na sinabi sa kanya. Nung una palang sana sinabi ko na. Sana nga talaga kahit na nasa ibang bansa na ko, ganto padin kami.

"Mahal na mahal kita ranz kyle" bulong ko sa kanya.

"Mas mahal kita kung alam mo lang nikka." Sabi ni ranz at hinalikan nya ko sa noo ko.

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon