Chapter 34

280 7 4
                                    

"Sabi ko, papakasalan kita pag sumunod ka dito sa canada" sabi ni brix. Nagulat ako.

"Kailan mo sinabi yun?" Sabi ko nalang sa kanya.

"Nung bata pa tayo. Haha" sabi ni brix. "Bago ako umalis papuntang canada. Tapos hinatid niyo kami ni papa sa airport. Sinabi ko yun"

"Hindi ko na matandaan ah." Sabi ko habang pilit na inaalala yun.

"Alalahanin mo. Haha." Natawa si brix.

Pilit kong inalala yun.

(Italic means flashback)

"Wag ka na kasi umalis" iyak ako ng iyak.

"Ayoko din naman kasi umalis eh. Ayaw kita iwan dito" iyak din ni brix habang yakap yakap ako.

"Ano ba kayo mga bata. Magkikita pa naman kayo sa susunod eh." Sabi ni mommy.

"Kelan yun?" Sabi ko.

"Pag malaki na kayo. Susunod tayo sa canada" sabi ni mommy sakin.

Hinawakan ni brix yung kamay ko. "Pag sumunod ka sa canada, papakasal na tayo ha?" Sabi nya sakin.

"Oo. Para di na nila tayo mapaghihiwalay kahit kailan!!" Sigaw ko. "Promise yan ha!"

"Promise." Sabi ni brix

"Ahhh!" Sambit ko nung naalala ko na. Napatingin ako sa kanya tapos nakangiti lang sya.

"Ang bata pa natin nun no?" Sabi nya. "Mga grade 1 lang ata tayo nun eh? Haha"

"Oo nga eh. Ay grabe. Bata pa malandi na." Tawa ko. Tumawa din sya.

"So kamusta na nga nikka gonzales?" Sabi ni brix. "Pwede ko padin ba tuparin yung promise na yun?"

"Seryoso ka ba?" Nagulat kong tanong sa kanya. "Bata pa tayo nun brix."

"Ano naman? Seryoso ako nung sinabi ko yung word na promise sayo." Sabi ni brix.

"Alam mo kasi brix. Ganto yan eh. May boyfriend ako." Sabi ko sa kanya.

"Ranz kyle diba? Member ng chicser?" Sabi niya. "Alam ko naman nikka eh. Nawalan ako ng pag asa nung una kong nalaman yun. Pero nabuhayan ulit ako nung nalaman kong lilipat na kayo dito."

"Brix, mahal ko yung boyfriend ko." Sabi ko.

"Nikka, malayo kayo sa isat isa. Hindi mo alam mga ginagawa nya sa pilipinas habang nandito ka." Sabi ni brix na ikinagulat ko nalang.

"May tiwala ako sa boyfriend ko." Sabi ko sa kanya. Naiinis na ko pero nagtitimpi padin ako.

"Nikka, staying in a long distance relationship is not healthy. You'll just hurt each other." Sabi ni brix. "Talking online? Facetime? Skype? Its like you're dating a ghost"

Sasagot na dapat ako kaso biglang dunating sila daddy.

"Oh? Kamusta kayo dyan?" Sabi ni Tito Dan.

"We're good dad." Sagot ni brix. "Naalala lang namin dati ni nikka kung gaano kami kaclingy sa isat isa noon."

"Nako oo. Ayaw na ayaw niyo maghiwalay nun." Tumawa si tito dan. "Nasstress na nga lang kami sa inyo e."

"Bata pa po kami nun eh." Sabi ko. "Uhm, sorry po ah. Pero may gagawin pa po pala kasi ako"

Tumayo ako at umakyat na sa kwarto ko. Naiinis lang ako sa brix na yun eh. Sino ba sya kung akala nya?! Kababata ko lang naman sya. Hmp. Kung tutuusin di ko nga sya ganun naaalala eh. Inopen ko yung private facebook ko na real life friends lang nakakaalam. Pati si ranz may private facebook na. Para di natatabunan mga messages namin.

Nikka Gonz: ranzz, miss na agad kita. Dumating dito yung kababata ko daw. Brix yung pangalan nya. Di ko sya masyado naaalala eh. Haha. Wala lang. Gusto ko kasi updated ka parin sa mga nangyayari sakin. I love you :*

After nun, clinose ko na yung facebook app. Hayy, tulog na yun kaya di yun magrereply.

Ranz Kyle: sino nanaman yung brix na yun? Pangalan palang ayoko na. Wag ka masyado lalapit dun ah. I love you more :* anong ginagawa mo ngayon? Miss na miss na din kita agad kaya nagising ako.

Nagulat ako nung nagreply sya. Hayyy. Miss na miss ko na talaga tong si ranz. Di ko na alam gagawin ko.

Nikka Gonz: Bakit gising ka pa? Nagpupuyat ka ah. Masama yan :) opo. Di ako lalapit dun. Jusko! Inis na inis nga ko eh.

Ranz Kyle: namimiss na kase talaga kita kaya di ako makatulog :( iwasan mo yan ah! Magagalit talaga ako. Kung andyan lang ako, nako. I love you :*

Nikka Gonz: Opo sir! I love you more. Matulog kna ha? Masama magpuyat :)

Ranz Kyle. Opo. Tutulog nako. Magchat ka lang ha? Basahin ko pag gising ko. Snapchat, viber, lahat.

After nun, nagoffline na si ranz. Natulog na siya. Clinose ko na yung messenger. Nahohomesick na ko dito. Di siguro ganto kung kasama ko si kyle eh. Pero bata pa kasi kami. Kaya wala akong magawa.

Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon