Hi guys, Alam kong medyo matagal na yung last update ko. Kailangan ko na kasi tapusin tong story na to, kung nakikita niyo naman lumilipad na ng lumilipad ang utak ko at wala na ko maisip. Huhu. So medyo nagisip ako ng flow ng story na medyo magpapabilis. Thank you sa lahat na nagbabasa padin nito hanggang ngayon! I love you guys!!!
----
"Lilipat nanaman tayo ng bahay" Sabi ni Mommy.
"Ha? Bakit?" Sabi ko.
"Nagkaayos na kasi kami ng daddy mo. Dun na tayo titira sa kanya." Sabi ni Mommy.
"Ganun lang yun?! Okay na agad kayo?" Sabi ko.
"Gusto ko mabuo yung pamilya natin." Sabi ni mommy.
"Ma naman, after nun? After ng mga ginawa niya satin? After ng mahabang panahon!? Okay na agad ng ganun ganun lang?!" Sabi ko.
"Wag mo kong pagtaasan ng boses, Nikka. Mommy mo ako." Sabi niya
"Sorry.. Hindi ba pwedeng dito nalang tayo?" Sabi ko.
"Alam ko naman na ayaw mo umalis dito, pero kailangan eh. Di naman tayo mapapalayo masyado" Sabi ni Mommy.
Alam ko naman yun eh. Yung di kami masyado mapapalayo at syempre, magkikita padin naman kami ni Ranz kahit anong mangyari. Ang kaso lang, syempre iba parin yung magkatapat kami ng bahay. Alam niyo kasi yung, sanay na kami na ganto eh. Magkatapat lang.
"Sa makati lang naman tayo lilipat eh. Di naman ganun kalayo diba?" Sabi ni Mommy.
"Kailan tayo lilipat?" Sabi ko.
"Baka next week na. Inaayos ko na rin yung mga gamit dito. Pati mga kapatid mo inaayos na nila mga gamit nila." Sabi ni mommy. "Ayusin mo na din mga gamit mo. Para mas madali pag lipat natin"
Wala na kong sinabi. Tumango na lang ako, ngumiti lang sakin si mommy at umalis na ng kuwarto. Kailangan ko pa sabihin to kay Ranz. Good vibes pa naman kami kanina.
Naisipan kong bukas nalang sabihin. Gabi na rin naman eh. Inayos ko na yung gamit ko. Yung ibang damit nilagay ko na sa bag. Yung mga kaechosan ko dito sa kuwarto, niligpit ligpit ko na.
From: Ranz Bby
Message:
Gooooodnight princess! I love you :* Matulog ka na ha. Wag ka na magpuyat. Laki laki na ng eyebags mo eh. Miss na agad kita, kahit ginagamit mo sakin yang mata mo :( djk lang. Goodnight!
Napangiti ako sa text ni ranz. Di ko alam, parang kinakabahan ako sa paglipat namin. Bahay lang naman yung maiiba. Pero parang may hindi ako magandang nararamdaman. Wag naman sana.
To: Ranz Bby
Message:
BINABASA MO ANG
Crazy Ever After [CRAZY LOVE BOOK 2]
RomanceA Ranz Kyle/Chicser story, Book 2 of Crazy Love.