As I look around at the colorful campus, memories rush my mind— college has become a vibrant tapestry, with the connections that have shaped me at its heart.
My circle of friends has become like a second family to me, and the relationships we've formed are indescribable. Minsan, I hate college kapag tungkol na sa curriculum namin ang pinaguusapan pero being part of this life— of their life... parang gusto kong balik balikan lahat.
But, you know, sometimes... one relationship stands out among the laughs and shared experiences.
His name?
Louise.
"Ang saya nung welcome party, nag-enjoy ka ba?" he asked as he drove me home. Little did he know, mas masaya ako na nakasama ko siya ngayon.
"A little." tipid kong sagot.
Parang 'yon lang ang kayang lumabas sa bibig ko. My mouth felt dry, and my mind was completely blank. The only thing on my mind was that I was with him right now. Kung ako lang ang tatanungin ay gusto ko na talagang tumalon mula sa bintana ng sasakyan. Hindi ko siya kayang kausapin sa kung papaano ko siya gustong kausapin.
Hindi ako katulad ng mga kaibigan namin in terms of treatment and action with him. Ang iba naming friends na kayang-kayang sakayan ang mga trip at biro niya.
Kahit kalmado ako externally, sumisigaw ang mga internal organs ko at kausapin siya. Gusto ko nang magsimula ng pag-uusapan, pero wala talagang pumapasok sa isip ko.Louise steered the car effortlessly, his fingers confidently guiding the wheel. His other hand rested casually at the corner, parang ibang kalam ang ginagawa ng t'yan ko habang pinapanood ko siya.
Deretsyo lang din ang tingin niya sa kalsada at napakagat labi nalang akong umiwas ng tingin. Kakaalis lang namin sa welcome party for the freshmen. I used to be like them. Isang first year student na naliligaw nalang sa isang welcome party, finding new friends, ubusin ang social battery. Hanggang sa I ended up like this.
Isang college student na nagkagusto sa kaklase niya.
How ironic, right?It's been 2 years, daig ko pa ang buntis sa tagal kong itinatago at itinatangging na may nararamdaman ako sakaniya. Kahit siya na mismo ang gustong mag confirm n'on ay pilit ko pa din na itinatanggin.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero hindi ko magawang sabihin ito sa kanya nang diretso. Natatakot siguro ako na malaman niyang matagal na? Nahihiya akong sabihin sakaniya yung katiting na nararamdaman ko?
'Katiting pa din nga ba talaga?'
"A little? Eh halos maubos mo ata yung isang champagne d'on." Louise glanced at me, para naman akong natameme sa sinabi niya.
'Tinitignan niya ako?'
"Oo nga eh." tipid kong sagot.
"About the freshman," he started to make a conversation again, "May nakausap ako sa kanila at tawang tawa ako kasi gusto na daw nila makilala si Sir Ryan." he chuckled, he's pertaining siguro kung gaano kastrict si Sir Ryan lalo na't calculus pa ang ituturo.
I glanced out of the window, my tone still distant, "Really?"
Just to be honest, hindi naman ako ganito kataray at katahimik eh. Aaminin ko, hindi ako palaimik na tao pero when it comes to him, naiistuck yung dila ko hanggang sa wala na akong masabi.
Ayoko namang magkamali ako ng imik.
"Kailangan na siguro natin ng outing. Halos malasing ang half ng batch sa welcome party na 'yon. Paano nalang kapag tayo tayo lang?"
'What if nga tayo nalang?'
"Okay din." sagot ko nalang. Nauubusan na ako ng isasagot kasi hindi ko naman ineexpect na dadaldalin niya ako sa byahe namin.
Kami nalang ang awkward sa circle of friends namin 'cuz every time our eyes meet, nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan namin. Kasalanan ko na siguro 'yon dahil gusto ko siya.
That's why everyone thinks I'm angry with Louise. Every time we make eye contact, it's like we're in a rolling eyes competition. Wala akong choice kundi tarayan ko siya o baka bigla na lang akong mahimatay.
Kapag kami lang dalawa, ramdam na ramdam ko ang tensyon na parang gusto ko nang maglaho na parang bula. Kagaya nito na hindi mapakali ang hinliliit ko sa kaba. But one thing na nagustuhan ko sakaniya, lagi niya akong binabati sa tuwing magkakasalubong kami.
Pero mukha namang gan'on siya sa lahat at 'saka hanggang doon lang naman siguro kami.
The engine's hum gave me a chance to think as I relaxed in my seat. Bakit pinaglalaruan ako ng utak ko na umamin sakaniya ngayon? Hindi ba't maaga pa para d'on? Hindi naman matagal yung 2 years eh.
I'm still enjoying the moment na okay kami at walang awkwardness. Tama ba na itago ko nalang 'to hanggang sa marealize kong wala na yung ganitong feelings? Ilang beses na ba? Ilang beses ko na bang minamanifest yan sa loob ng dalawang taon?
Manhid pa din ba siya sa nararamdaman ko? Paano kung totoo nga ang sinasabi nila sakin na may nararamdaman din si Louise para sakin? Eh paano kung hindi naman pala talaga at expectations ko lang ang sumisira sakin?
"Sana masabi ko..."
"Huh?" napatingin ako kay Louise, "Huh?" napahuh nalang din ako sa gulat.
"Masabi alin?" nagtatakang tanong niya. "H-Huh?" tumingin siya saglit sakin pero muling ibinalik sa daan.
"Ah— s-sana nasabi ko kanina kay Jewel na uuwi na ako. 'Di na ako nakapagpaalam." palusot ko nalang kahit ang gusto ko naman talagang sabihin...
'Sana masabi ko na sayo lahat.'
'Gusto kita, Louise.'
"Komportable ka ba?" napatingin ako sakaniya nang magtanong siya. "Say so, I know sometimes I'm nosy. Maybe, napapafeel ko sayo yung awkwardness. Don't be, it's you naman."
'It's me? What do you mean?'
His words hung in the air, and I became lost in thought. Natahimik nalang ang buong sasakyan hanggang sa magtuloy tuloy na ito. Pinikit ko ang mga mata ko habang ang tugtog sa radyo at ingay ng makina na lamang ang naririnig ko. Parang mga insturmento na nakakaantok, gusto kong matulog at ayokong bumaba sa sasakyan na 'to.
Gusto ko pa siyang makasama.
Gusto ko pa siyang marinig.
"Are you okay?" binuksan ko ang mga mata ko nang maramdamang nakatigil ang sasakyan. Nakaidlip siguro ako sa haba ng byahe dahil nandito na kami sa tapat ng bahay.
Tinignan ko siya at nakatingin siya nang deretsyo sa mga mata ko. Ang tibok ng puso ko ay halos marinig na yata hanggang sa labas ng sasakyan.
Bakit ka ganito?
Bakit sakin pa?
"What's up to you, Anne?"
End of Prologue
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...