Chapter 1: Midnight Romance
"I hate this org so much." reklamo ko habang tinatapos mag-isa ang pagtatape ng box para sa isang activity na ihahandle ng council namin.
Nag-alarm na ang phone ko para ipaalala sakin na alas-otso na ng gabi at ang paalam ko lang kay Mommy ay hanggang alas-nwebe lang ako. Pagod ka na nga sa mga activities, masesermonan ka pa pag-uwi.
Nagsimula na akong linisin ang mga ginamit ko at pumunta sa SADO (Student Affairs Department Office). Wala ng tao kaya naman nilagay ko nalang sa lamesa ng org namin ang isang malaking box na puno ng mga props for the upcoming activity.
Pinatay ko na ulit ang ilaw at umalis na, "Eto ba ang karma nila sakin sa pangbabash ko sa dating head?" sinipa ko nalang yung ere kasi wala namang nakakakita sakin.
"Bakit ba hindi nalang ako nagresign?" napabuntong hininga nalang ako.
"Pre, the best to." napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng bulungan.
Napadaan ako sa banyo ng mga lalaki kung saan ko narinig ang bulungan. Madilim na ang buong hallway ng 4th floor at bali-balita na meron daw nagbebentahan ng pinagbabawal na gamot sa campus na 'to.
Ang chismis pa nga ay dahil bukas ang campus 24/7 ay sa liblib na lugar tumatabay ang mga users sa loob mismo ng campus. Hindi din madalas mag libot ang guard dahil may cctv naman pero may mga lugar na hindi naman nakikita ng cctv at hindi din nababantayan ng mga guard 24/7.
Muli kong narinig ang bulungan kaya dumikit ako sa pader para pakinggan ang pinaguusapan nila. "Magkano? Solid ba 'to?"
Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng banyo para hindi nila marinig ang kaluskos ko. Wala naman akong naririnig na nag-uusap ng casual, puro sila tawa at bulungan ng kung ano ano na parang sila lang ang nagkakaintindihan.
Magsumbong ba ako? Pero anong sense kung magsumbong ako kung hindi ko din alam kung sino ang mga gumagamit? Baka pagpyestahan pa ako ng mga kasama nila ako kapag nalaman nilang ako ang nagsumbong na may gumagamit sa campus namin.
Nilabas ko ang phone ko para palihim picturan ang mga nasa loob. Kung ano man ang pumasok sa utak ko ngayon, alam kong pagsisisihan ko siya mamaya. I turn on silent mode and switch off the flash off my phone when I take a photo. Syempre, madami na akong napapanood na drama na ang bobo nung bida at hindi nagiisip na i-silent ang phone nila.
"Kukunin ko lang yung isang pack sa taas." loud and clear, may kukunin pang isang pack ang seller.
'Wait.'
Ibig sabihin lang nito. Lalabas siya sa pintuan!
Nataranta na ako nang marinig ko ang malalaking yabag na papalabas sa banyo. Mas nataranta ako nang tignan ko ang paligid na wala akong matataguan.
Hindi ko alam ang una kong gagawin kaya naman naglakad ako sa isang direksyon na hindi ko alam kung saan ang patungo nito.
"Lakad matatag, Anne. Pinili mo 'to 'di ba?" nag-ngingitngit kong sabi sa sarili ko habang naglalakad ng mabilis sa maiksing hakbang. "Parang hindi normal maglakad, Anne." napapikit nalang ako hanggang sa marinig ko na ang tatapos sakin.
"Shit!"
Lumakas ang tibok ng puso ko na may sumigaw sa likod ko and I know it's him, the guy na lumabas sa banyo. "May nakakita satin!" sigaw pa niya sa mga kasamahan niya.
"Hoy! Bumalik ka dito! You saw nothing!" sigaw niya kaya naman kumaripas ako ng takbo dahil sa takot at kaba.
Gusto nalang tumulo ng luha ko sa takot at sumigaw habang hinahabol nila ako.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...