Chapter 19

7 1 0
                                    

Chapter 19: Between the Lines

Five days. 

Limang araw kong ramdam ang pag-iwas ni Louise sa akin after what happened sa Tagaytay. Walang proper closure, walang klarong usapan. We just... stopped talking.

After everything, parang unti-unti na ring nawawala 'yung matagal ko nang tinatagong feelings para sa kanya. Maybe I'm just hurt. His words were painful—so painful that my mind refuses to replay them anymore.

I can't figure out where he got the courage to say those things to me. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali. Did I hurt him? Hindi naman, 'di ba?

Nakakainis? Kailangang unawain? Kasalanan ko? Wala akong hinihingi sakaniya. Wala akong ibang gusto kundi maging casual lang kami. And yet, ako pa din ang mali para sakaniya? Ako pa din pala 'yung may problema?

Siya naman 'yung unang umiwas, 'yung tipong hindi na nagrereply sa group chat kapag ako na 'yung topic or ako 'yung nagchat. He even hid me from his stories sa social media, na nalaman ko pa kay Jewel. May post pala siya but I was the only one who couldn't see it. 

Halos dinadaan daan niya nga lang ako sa hallway sa tuwing magkakasalubong kami. Kahit sa pagkain ng lunch, mas prefer pa daw niyang kumain nalang sa dorm kesa sa school. Dahil siguro makakasabay niya ako, pero ano bang ibig-sabihin niya doon? As if sobrang laki ng kasalanan ko sakaniya kahit siya naman at the first place ang nagsimulang komprontahin ako.

Sino ba ako?

Syempre, I did the same thing. Hindi ko na rin siya pinapansin. Why should I? Sinaktan na rin lang naman niya ako, bakigt ako magsesettle sa taong sakit lang ang pinaparamdam sakin.

Kinahapunan, I got a message from Sir Lorre, inviting me to this burger restaurant as a thank you for helping him with some of his tasks. Hindi ko alam kung necessary ba ito dahil next school year, ibibigay na raw sa kanya ang position as adviser ng local org namin.

Sabi ko, sure. I mean, sino bang tumatanggi sa libre? Rare lang ako malibre, kaya why not? Besides, maybe this will take my mind off things—off him.

Pagdating ko sa burger place, agad kong nakita si Sir Lorre, nakangiti at kumakaway. Para siyang bata na kumakaway sakin, kaya't sinuklian ko na lang ng ngiti. Uncomfortable isipin na kami lang dalawa ng professor ko ang kumakain sa isang restuarant. 

Kaya naisapan kong wag isipin nalang.

"Sit here," aniya sabay hila nung upuan, nakatingin sa akin na parang wala siyang ibang hinihintay. I needed this distraction, kaya't umupo na ako nang makalapit sakaniya. "Thank you." sabi ko at umupo na din siya sa kabilang bahagi ng lames.

"Grabe naman, akala ko naman burger lang sa tabi tabi, mukhang swelduhan ah." biro ko na may ilang, sinusubukang gawing mas magaan ang atmosphere.

Tumawa siya. "Small reward lang 'to para sa isang malaking tulong na ginawa mo para sa org. Next year magiging adviser na ako, pero hindi ko kaya 'yun nang walang mga taong katulad mo."

"Thanks, Sir," sagot ko, medyo nahihiya sa compliment. Mabilis din naming inasikaso ang order namin. Sa loob-loob ko, ayoko munang isipin ang mga personal na bagay, lalo na tungkol kay Louise. Kailangan ko lang ng break.

Habang hinihintay ang pagkain, casual kaming nagkwentuhan about sa mga future plans ng org. Pero napansin ko, may mga moments na parang nagiging curious si Sir Lorre tungkol sa akin, pero medyo alanganin siyang magtanong nang diretso.

"By the way, Anne," he started, casually stirring his drink, "curious lang ako, ano nga pala mga hobbies mo? Bukod sa pagiging busy sa org at studies, what do you do for fun?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now