Book 1: What's Up, Anne
For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 4: A Little Chance
___________________________________
Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa mga sumunod na araw. Tatlong araw kaming suspended, at dineclare na online muna ang phasing namin. Pero pagkatapos ng tatlong araw na 'yon, balik na ulit kami sa realidad.
Balik siksikan na naman sa eskwelahan. Kahit gaano kaliit ang bawat building, punô pa rin—parang lahat ng estudyante sabay-sabay nagbalikan.
And here I am... staring at this guy named Louise.
Tatlong araw ko na ring iniisip kung may ibig-sabihin ba 'yung mga nakita ko. Meron ba sila nung Venice na 'yon? Nakaka-move on na ba siya kay Amara? Or... friends lang sila? I don't know.
Ang alam ko lang, kung meron mang bago sa buhay niya, isang tao lang ang unang makakaalam—si Jaycee, ang bestfriend ni Louise.
Mas blooming si Louise ngayon. Maingay naman siya dati, pero iba na 'yung aura niya ngayon. Mas magaan 'yung mga ngiti niya... mas may laman.Napapapikit nalang ako sa tagal ng titig ko sakaniya habang nagfaflashback yung panaginip ko.
"Hoy," bigla akong siniko ni Jewel kaya naman napunta sakaniya ang atensyon ko. "Baka naman matunaw si Louise n'yan. Anong meron?" nagtataka siyang tumingin sakin.
"Wala." sagot ko.
"Anong wala e' halos matunaw si Louise sa pagkakatitig mo— Oh my—! Wait!" tinakluban niya ang bibig niya at parang gulat na gulat.
"Don't tell me..." I shushed her, "Pwede ba? Baka may makarinig." saway ko dito at binigyan lang niya ako ng mapang-asar na ngiti.
"Wala, okay?" pagsagot ko sa kung ano mang iniisip niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Sobra ba ang titig ko?
Si Jewel lang naman siguro ang nakahalata na matagal akong nakatitig 'di ba?
Katatapos lang ng klase namin sa isang minor subject at halos malunod ang ilong ko sa lalim ng pagtatagalog nang professor namin. Akala ko naman ay sa english lang ako mapapasabak.
Habang normal na tahimik ang room, may narinig akong bulungan sa likod.
"Pre, anlala naman kung nahuli mo," ani Zedrich. "Anong plano mo ngayon?"
Pansin kong lumalaki na rin ang tenga ni Jewel, pasimpleng nakikinig sa chismisan ng mga lalaki sa likod namin.
"Ibig sabihin, tama nga... iniwan ka niya dahil doon sa Niel—"
Everyone shushed Micoy nang napalakas ang boses nito, halos marinig na ng nasa kabilang table.
"Okay, sorry, pero binigyan ka ba ng closure?" tanong pa ni Micoy.