Chapter 3: Pouring Rain
"Hi!" bati ni Sir Wilson samin. "I know it's me again pero ako na daw ang maghahandle for this subject— ano nga ito?"
"Signal Processing po." sagot ni Jaycee. "Ow, right. I guess madami na naituro yung previous prof niyo here. So, I'm planning na igroup agad kayo, ano po?"
Biglang nabuhayan ang mga kaklase ko sa inannounce ni Sir Wilson. Good news na siya ang pumalit sa previous professor namin. Sino ba naman kasing may gusto sa prof na walang konsiderasyon at hindi naman pumapasok?
About last night, napapansin kong pasulyap sulyap si Benedict sakin pero hindi ko siya binibigyan ng atensyon o kahit lingunin man lang siya. Nahihiya ako at ayoko na dito pa namin pag-usapan ang nangyari kahapon.
"So, before we start our lecture. I'll send to you guys yung magiging group niyo, and I hope wala kayong angal." tumawa pa si Sir na parang nang-aasar pero in a sweet way pa din. Napatingin naman ako kay Jewel na tawang tawa dahil lang sa tumawa si Sir Wilson.
Tawa ba 'yon o kilig?
Maya maya lang ay may narecieve kami na email, nandoon ang listahan ng group. Hindi na ako nag-abalang tignan dahil alam kong may magbabalita dito sa tabi ko.
"Kagroup mo si Benedict, be." humagikhik ng tawa si Jewel na nang-aasar pa ang tingin. Masama ko lang siyang tinignan dahil hindi ako natutuwa sa balitang 'yon.
"Kagroup mo din si Harvey." dagdag pa niya at hindi na din ako nagulat sa balitang 'yan. Ang alam ko lang ay lagi naman kaming nakatadhanang mapunta sa iisang grupo. Matalino si Harvey pero ang red flag pa din talaga niya lalo na sa mga flirting issues niya.
"Kagroup mo din si Louise." bulong niyang sabi sa tenga ko. Inagaw ko yung cellphone niya ng sabihin niya yon. Tinignan ko at nand'on nga ang pangalan niya kasunod ng pangalan ng pangalan ko.
"Oh! Kalmahan mo. Nasa likod lang s'ya." ani Jewel at inagaw muli sakin ang cellphone niya.
Not him, okay?
Baka pag nagkasama kami ay tanungin niya ako ng tanungin about sa nangyari samin kay Benedict at malaman pa ng iba na nasigawan ko 'yon. May iniingatan akong image at talagang stress lang ang naging dulot ng inis ko kagabi.
"Ang panget ng kagroup ko talaga. Hindi na kami mapaghiwalay nina Micoy at ni Balatazar." bulong ni Jewel sa tabi habang sinasabunutan pa ang sarili. Kung gaano kastress si Jewel kahapon, mas stress 'yung mukha niya ngayon.
"Anne," lumingon ako sa tumawag sakin at si Harvey yon. "Magkagrupo tayo." sabi niya, nginitian ko lang siya at binalik na kay Sir Wilson ang tingin.
"I guess nakita niyo na ang list. Let's proceed sa pagdiscuss ng gagawin niyo, madali lang naman." nagreact lahat ng mga kaklase ko nang tumawa si sir kasi parang may laman na naman ang madali niya.
"Need niyo lang mag code and gagawa kayo ng calculator— parang simulation. And may iba't iba kayong topic, so isesend ko ulit sa inyo ang mga topic at paunahan po kayo na pumili." may sinend ulit si Sir at biglang nagsitakbuhan paharap ang ilan sa mga kaklase ko saying random letter.
Nagkaingay ang buo room kaya naman sinubukang ipasettle down ni Sir Wilson ang klase sa officers namin. Bumalik din naman agad ang mga kaklase kong tumakbo sa harap.
Natatawa habang umiiling si Sir Wilson bago siya muling magsalita. "Paunahan nalang ang pagreply sa email. Doon ko nalang icoconsider yung topic ng group."
Nagstart na mag discuss si Sir Wilson, wala akong naiintindihan masyado pero ang alam ko lang ay mag-gagawa kami ng website na calculator at base yon sa topic na napili namin. Bilang butihing student sa isang grupo na may apat na member, aasa nalang ako sa kanila.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...