Chapter 6

37 5 6
                                        

Chapter 6: Starving

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6: Starving

___________________________________

         Bali-balita ko na may nagbubukas daw ng peryahan malapit lang sa campus namin. Ang sabi pa ay may mga banda at singer na dadalo sa Day 2 ng perya kaya naman agad akong nakatanggap ng message mula kay Jewel.

Inaaya niya ako simula pa noong isang araw pero nag-aalangan ako sa oras dahil dilim na din ang umpisa ng palabas.

Mabuti sana kung may kasabay ako, 'di ba?

"Bilis na, Anne!" parang bata na nagtatantrum itong si Jewel sa tabi ko. Namimilit talaga na sumama na ako sa magaganap na peryahan near LDS.

"Ayaw lang talaga tayong kasama ni Anne." inirapan ako ni Jaycee bago ito umupo at makipagdaldalan sa katabi niyang si Cheska.

Nafeel bad naman ako na gan'on yung iniisip nila dahil lang sa hindi ako makapagdecide.

"Hindi naman sa ayaw ko," bumuntong hininga ako kasabay ng pagtigil ni Jewel sa pagtatantrum. 

"Wala naman kasi akong kasabay pumunta. Tsaka, malayo yung amin d'on. Ihahatid niyo ba ako?"

Lumungkot ang mukha ni Jewel sa sinabi ko. 

Isa pa, "Hindi ko alam kung papayagan ako." strict ang parents ko at ayaw nga nila akong ipakagat sa lamok noong baby pa ako.

"Eh kung—!" biglang humarap si Jaycee sa'kin. May mapang-asar na tingin siya na para bang may balak na hindi ko magugustuhan, dagdag pa ang nakakalokong ngiti na parang gusto ko nang tumakbo palayo.

"Sumabay ka kay Louise."

"Right?" Jewel agad na umayon, nanlalaki pa ang mata na para bang may bagong chismis silang natuklasan.

"Hindi ba't main road ang bahay niyo? Madadaanan niya 'yon, 'di ba?" Nag-apir pa sila ni Jewel at Jaycee na para bang wala ako sa harap nila, literal na pinagpasa-pasahan ang kapalaran ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin, pilit tinatakpan yung mukha kong ramdam kong namumula na.

"Ayoko," sagot ko, pilit pinananatiling matatag yung boses ko kahit na parang gusto nang sumabog ng kaba sa dibdib ko.

"Wala ito!" winasiwas ni Jewel ang kamay niya kaya napakalas ko sa pagkakahawak sa kanya. "Hindi mo na ba kami mahal?! Ayaw mo na bang sumama sa amin?!"

Napairap ako. Isa pa 'tong OA. 

Siguro kaya lagi silang nag-aaway ni Harvey kasi pareho silang may pagka-drama king at queen.

"Eh ayoko nga nung ideya," pinaninindigan ko pa rin.

Saka, ayoko talaga. Iniisip ko pa lang na sasakay ako sa sasakyan ni Louise, naninigas na agad ang buong sistema ko.

What's Up, AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon