Chapter 15: Forcing to Unlove You
Nagsimula na ang group activity namin with Sir Wilson. Tahimik pa rin ako kahit na confirmed na ang katotohanan—galing na mismo kay Louise na wala nga talaga.
Hindi na siya umalis sa tabi ko since then, habang sinusubukan naming i-figure out kung paano sagutan at i-assemble 'yung mga connections from the oscillator at sa breadboard.
I mean, I'm trying my best, pero alam mo 'yung awkward tension? Ganun.
Gusto ko sanang sabihin na ayaw ko siya na malapit sakin, pero my body’s betraying me. Hindi ako makagalaw. I can’t seem to tell him to leave kasi deep down, I want him here. It’s comforting, kahit na ang gulo ng thoughts ko.
"Saan ka kakain mamaya?" tanong ni Louise sakin, "Hmm?" yan nalang ang naging tugon ko sakaniya.
Bakit nagiging soft nalang ako? Hindi naman dapat iba si Louise sa mga kaibigan ko eh. Pero pag dating sakaniya, tiklop na tiklop ako. Lubog na lubog na parang 'di ko kayang umahon.
"Libre mo ako ah, bati na tayo eh." muli niyang pang-aasar pero bakit hindi ako naaasar? Bakit tuwang tuwa pa ang mga dugo ko na nagtatalon?
"Wala akong pera." sagot ko tinatago ang ngiti sa likod ng mask ko.
"Edi kapag may pera ka na—"
“Tignan mo kaya, Louise, ‘yung gawa nina Harvey?” utos ni Ray, pero umiling si Louise na parang bata.
“Tinatamad ako tumayo,” sagot niya, obviously not interested.
“Ang tamad mo naman,” sabay kamot ni Ray sa ulo. “Ako na, ako na, Louise,” may diin na sabi ni Joy, tumayo siya at naglibot sa room para i-check ang mga gawa ng iba.
Nasa phone lang si Maryce, at si Ray naman ay halatang stressed figuring out kung paano makukuha ‘yung frequency. Nakatingin lang ako, pero sa totoo lang, parang pagod na ‘ko kahit wala pa akong nasisimulan. Si Louise naman, feeling magaling, nagtuturo pa sa amin kahit sablay naman ‘yung ibang idea niya.
Halos mag-away na nga sila ni Ray, at bingi na ako sa kakadebate nila. Honestly, wala na akong pake kung ano bang pinagsasabi nila—hindi ko na rin maintindihan ‘tong activity.
“Excuse me,” bigla akong tumayo at lumabas ng room para pumunta sa CR. Pagtingin ko sa salamin, mas okay na itsura ko ngayon kesa kanina na parang pugto ang mata.
Hindi ko mapigilan matawa sa sarili ko. Imagine, kumalma lang ako dahil lang kinumpirma ni Louise na wala talagang nangyayari sa kanila ni Venice. He even told me the whole story in detail.
Papasok na sana ako sa isang cubicle nang may pumasok din sa CR, suklay ng suklay ng buhok. Tumigil siya sa harap ng salamin, and parang naiiyak.
Bigla kong napagtanto kung sino siya.
“Venice?”
Napatingin siya sa akin, kunot-noo, sabay tingin mula ulo hanggang paa. Inaalala kung sino ako. Tapos biglang lumiwanag ‘yung mukha niya at ngumiti.
“Anne?”
“Hoy, pasensya na, hindi ko pa nababalik ang payong mo,” sabi ko habang nilapitan siya. She chuckled.
“Ayos lang, mahalaga nakauwi ka nun,” sagot niya.
"Paano ka pala nakauwi?" I pretend na hindi ko nakita kung paano. Ngumiti siya na para bang kinikilig.
"Just, someone. I think kilala mo naman siya." hawi niya ng buhok sa likod ng tenga.
Ilang segundo kaming natahimik bago siya tumingin sakin na nanlalaki ang mata na parang may naalala kaya naman nagulat ako bago siya nagsalita ulit.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...