Chapter 5: Photographs
Maaga akong nakarating sa campus kaya naman naisipan kong tumambay muna sa Study Beans. Ito talaga ang pinupuntahan ko lagi sa tuwing wala akong matambayan at masarap din kasi ang kape nila dito.
I ordered my go-to Americano. Gusto ko kasi 'yung matapang, kaya lagi akong galit.
"Good morning! Welcome to Study Beans, what is your order po?" nakangiting bati sakin nung cashier.
Sinabi ko lang kung anong gusto ko at mabilis naman niya akong nasuklian. Pumwesto ako sa tabi ng binta kung saan nakikita ko ang mga lumalagpas na estudyante.
Simula palang pagkagising ko ay hindi maalis sa isip ko na inihatid ako ni Louise sa tapat mismo ng bahay namin. Iyon din ang first time na makasama ko siya na kami lang dalawa.
Wala naman sigurong meaning 'yon, hindi ba? Aksyong pangkaibigan lang. We're friends kaya naman walang malisya sakaniya na ihatid ako.
Saka, hindi naman talaga hatid 'yon, 'di ba? Dadaanan naman kasi talaga niya yung bahay naman kaya isinabay na niya ako.
Tama.
Sabay, isinabay niya lang ako.
"Stop thinking about him." pagngingitngit ko habang dinidistract ang sarili ko sa pagrereview sa upcoming exam namin mamaya sa major course.
May mga dumadaan na freshman ng department namin. Kilala ko ang iba dahil nakakasalamuha ko sila sa mga event ng organization.
Ganito din kaya ang nafeel ni Kuya Lorre noong nakita niya ako?
Ano kayang feeling na nagwowork ka na? Paano kaya kung hindi na ako estudyante? Makakainom pa din ba ako ng kape ng tahimik at walang iniisip?
Kaya ako sumali sa organization e', para malaman ko yung hirap o kung paano makisalamuha sa mga tao kapag nagtatrabaho na ako.
Pero mukhang yung school organization pa ang papatay sakin bago ako magtrabaho sa dami ng ipinapagawa.
Tinignan ko sa relo ko kung anong oras na, 8:48 AM palang at 10 AM pa ang start ng unang class namin. Paniguradong tulog pa si Jewel sa mga oras na ito kaya naman hindi ko din siya macontact.
Palibhasa kasi e' walking distance nalang sila sa campus. Ako lang naman siguro ang may strict na magulang na ayaw payagang mag dorm.
Habang humihigop sa malamig kong kape, nakarinig ako ng pamilyar na boses na pumasok sa cafe. Looking toward the entrance, I was shocked to see Venice and Louise heading in.
Mabilis kong kinuha ang magazine na nasa coffee table ko at ginawa itong panangga. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na tumingin sa kanilang dalawa habang umoorder.
Observing Venice, a soft smile escaped her lips. Her eyes sparkling with excitement as she talking with Louise. On the other hand, Louise listened with intent, providing a low giggle in response to Venice.
'Ano ba 'tong tinitignan ko? Slow burn romance?'
Nakakasira naman sila ng araw. Lalong pumapait yung kapeng inorder ko dahil sa kanila.
Umalis na kaya ako?
'Hindi. Hindi pwede.'
Parang naistuck na ang p'wetan ko dito sa upuan. Hindi ko kayang umalis hangga't hindi sila umaalis.
Napatingin ulit ako sa dalawa at mukhang papaupo na sila. Doon sila umupo malapit sa counter pero kitang kita ko pa din sila.
'Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit magkakilala sila?'
![](https://img.wattpad.com/cover/358258152-288-k106805.jpg)
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Roman pour AdolescentsBook 1: What's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the c...