Chapter 14

15 1 0
                                    

Chapter 14: The Truth

         Hindi ako makatulog, thinking about whether Louise actually kissed Venice. Bakit nga ba sila magkasama ng ganoong oras, silang dalawa lang? Like, seriously, what are they even doing?

Was I too busy? Sobrang iwas ko ba kaya I missed a whole chapter of Louise’s life? Grabe, ang laki pala ng magiging epekto nito sakin. Dapat noon pa lang, sinabi ko na. Sana, from the start, gumawa na ako ng paraan para hindi umabot sa ganito.

Sino bang nasasaktan ngayon? Ako lang naman, ‘di ba? Ako lang naman kasi ang nakakaalam kung gaano ko siya kamahal.

Hindi naman siguro mali if Louise and Venice end up together. I should be happy for them, right? *Kung 'yun lang.* Pero masakit, kasi what if totoo nga?

I can see Venice's effort for Louise, and if I compare it to mine, walang-wala. What’s the point of feeling this way kung hindi ko naman kayang sabihin sakaniya?

Two years na. Two long years of pretending I can forget him kahit isang buwan ko siyang ‘di nakita. Akala ko, if I focused on something new—like OJT—makakalimutan ko siya. Pero hindi.

Even without seeing him, the feelings just keep getting stronger. It’s like a flame that never dies, kahit tunaw na ang lahat.

Sa dalawang taon ng paglihim ko nito, never, not even once, did I gather the courage to confess. Never.

Kaya hindi ko pwedeng sisihin si Louise for something na ako lang naman ang may kasalanan. I mean, wala naman siyang ginagawa sakin, pero bakit ganito? Bakit hulog na hulog ako sakaniya? Bakit gustong-gusto ko siya kahit wala naman siyang sinasabi or ginagawa para maramdaman ko ‘to?

Ang bobo ko ba para ipagpatuloy pa ‘to? Nasaktan na nga ako dati, tapos heto na naman, uulitin ko pa?

Nagpagulong-gulong ako sa kama, habang walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. I can’t stop. Every time na bumabalik sa isip ko yung nangyari kanina, mas lalo lang akong nasasaktan.

Umiyak lang ako.

"Ayoko na," I sobbed, burying my face into the pillow bago ako sumigaw.

Tahimik lang ang kwarto, tanging mga hikbi ko lang ang maririnig. Gusto kong matulog, kalimutan na lang lahat. Pero paano kung bukas, ganito pa rin? Paano kung bukas, masakit pa rin? Nakakapagod na.

I tried to wipe my tears, pero wala ring silbi. Hindi naman natatapos. Parang ang hirap bumangon kapag paulit-ulit kang hinahataw ng sakit.

"Why does it have to be him?" I whispered, my voice breaking. "Why him, of all people?"

Alam kong walang makakasagot sakin. Sa puntong 'to, ako lang din naman ang makakapag-decide kung tatapusin ko na 'to o ipagpapatuloy ko pa.

I gripped the edge of my blanket, trying to calm my racing heart. Pero kahit anong pilit kong pigilan, bumabalik yung mga imahe. Louise, Venice, yung mga tingin nilang dalawa sa isa’t isa.

Ang hirap labanan ng imagination ko. Lalo na nung nakita ko sila kanina—ang saya nila. Louise smiled at her like he never smiled at me.

Ilang ulit kong binulong sa sarili ko, 'wala ka namang karapatan, hindi mo siya pagmamay-ari'. Pero kahit ilang beses ko pang ulitin ‘yon, hindi nawawala yung kirot.

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now