Chapter 17

8 1 0
                                    

Chapter 17: Tagaytay's Love Bomb

       I arrived home safely, and as I got out of the car to say goodbye, no words came out of his mouth.

When I finally mustered up the courage to tell him those feelings I’ve been keeping inside, akala ko magrereact siya. But no. It was as if he didn't hear me when I said, “Gusto kita.”

His expression remained blank, as if my confession never reached him.

I stood there, waiting, hoping for even just a flicker of emotion in his eyes. But instead, the silence grew heavier, and it felt like the world was moving without us.

Maybe it was for the best. Mas okay na 'to, kesa malaman niya ang totoo, kesa malaman niya kung gaano ko siya kagusto at masaktan pa ako sa huli.

With a heavy heart, I forced a smile and waved. “Ingat ka,” I whispered, even though I knew he couldn’t hear me anymore.

As I watched him drive away, the familiar ache of unspoken words settled in my chest.

Nang tuluyan nang nawala ang ilaw ng sasakyan sa kalsada, nanatili akong nakatayo, parang hinihigop ng malamig na hangin ang lahat ng emosyon ko.

Pilit kong hinahabol ang hininga ko, pero parang masikip ang dibdib ko. Parang hindi ko kayang huminga nang maayos, lalo na matapos ang nangyari.

Finally, tapos na ang araw na 'to. Siguro nga mas mabuti na ito, bulong ko sa sarili ko, pero ni ako mismo ay hindi naniniwala. Paulit-ulit kong iniisip ang eksena. Did he really not hear me? O sadyang hindi niya ako pinansin?

Isang huling sulyap sa kalsada bago ako pumasok sa bahay. Bawat hakbang pabigat nang pabigat, parang ang mga hindi ko nasabi ay mas lalong nagpapabigat sa akin.

Pagdating ko sa loob, parang mas malamig at mas tahimik kaysa dati. Bumagsak ako sa sofa, walang iniisip kundi ang kisame. Bakit ko pa sinubukan? Alam ko naman na walang magbabago. He doesn’t see me the way I see him. Alam ko na ‘yon mula pa noon.

Pero kahit papaano, umaasa ako. Umaasang baka marinig niya ako, baka sakaling maramdaman niya rin ang nararamdaman ko. Pero wala.

Napabuntong-hininga ako, pinikit ang mga mata. Dito ko na naramdaman ang bigat ng lahat. Gusto kita, bulong ko muli, pero ngayon, sa loob ng isang silid na alam kong walang makakarinig at walang magrereply.

         Pinilit kong alisin ang iniisip ko buong linggo, at halos hindi ko na rin nakita si Venice sa campus. Wala namang masyadong nagtatanong, pero narinig ko na lumipat na raw siya ng school. Hindi pa nga confirmed, pero parang may bigat na agad sa pakiramdam ko. Maybe it's better this way, I thought, kahit papaano nagiging normal na ulit ang lahat.

Si Louise naman, back to his usual kulit. As expected, hindi siya nawawalan ng opinyon sa lahat ng bagay. Mapang-asar, walang pakealam kung ano ang sasabihin ng iba, gagawin lang kung ano ang trip niya. He was, as always, the loudest one behind me, kausap sina Harvey at yung iba pang tropa nila. Walang filter, as usual, pero nakakatuwa rin minsan.

Ako naman, tahimik na nakikinig kina Ray at Jewel sa tabi ko habang nagpaplano kami ng labas mamaya. Sabi nila gusto raw nilang mag-road trip, somewhere malayo sa city dahil nga maaga ang uwian namin ngayon. Walang professor sa department namin hanggang next week, kaya parang walang sense of urgency—sobrang free ang oras.

"Gusto ko sana pumunta sa beach, parang ang tagal na rin," sabi ni Jewel, habang tinitingnan niya ang phone niya for possible spots.

Ray nodded. "Huyyyy... tara." he pouted, "Medyo matagal na rin nung huling gala natin na malayo. Let's go somewhere na fresh naman."

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now