Chapter 13: In Denial
Four months have passed, and it felt like the memories had turned to ashes, slowly buried by the passage of time.
Dumaan ang on-the-job training namin, mga mabibigat na exams for finals, and now, midterms na naman for our second semester. Life seemed to be moving in fast forward, leaving little time to process everything that had happened.
Everyone was caught up in their own worlds, barely having time to look back at what once felt so important. Minsan naiisip ko kung ano ang mga iniisip ni Louise ngayon.
Ever since that day, ako na mismo ang umiwas na makipag-usap sa kanya, and he did the same thing. Parang nagpagkasunduan naming hindi magpansinan kahit wala namang napagusapan.
Sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway, hindi kami nagkikibuan. I could feel his presence, but we both acted as if we were strangers now.
Hindi ko maiwasang maalala yung huling pagkakataon na nagkausap kami ni Louise.
Hindi lang usap, kundi yakap.
Sa tuwing naiisip ko 'yun, parang may bigat na hindi ko matanggal-tanggal. Pero sa dami ng kailangan kong gawin—OJT, finals, at ngayon midterms—wala na akong oras para harapin pa ang mga bagay na 'yon.
Sa apat na buwang lumipas, patuloy pa rin pala si Venice sa pag-contact at pangungulit kay Louise. Kahit hindi ko man aminin, nakakaramdam pa rin ako ng bigat tuwing nababalitaan ko 'yun.
Napapaisip na lang ako kung wala lang ba kay Louise ang pagyakap niya sa akin noon. Siguro nga dahil may sakit siya at hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari, pero hindi naman sapat na dahilan 'yon para makalimutan na lang nang basta-basta, di ba?
Parang paulit-ulit sa isip ko 'yung moment na 'yon—kung paano ko naramdaman ang init ng katawan niya, kung paano niya ako pinigilang umalis. Pero sa loob ng apat na buwan, parang walang nangyari. Parang wala lang 'yon kay Louise, habang ako, hirap na hirap mag-move on.
My focus should be on my studies, but sometimes, those lingering memories of Louise, breaking through the layers of stress and schoolwork.
“Anne!” sigaw ni Jewel as she waved a bunch of papers in front of me. "May quiz tayo bukas, ready ka na ba?"
I shook my head, trying to snap out of my thoughts. "Yeah, of course," I lied, knowing full well I hadn’t prepared for anything.
"Nakausap mo na ba ulit si Sir Lorre?" tanong ulit ni Jewel, na para bang hinihila ako pabalik sa realidad mula sa mga iniisip ko.
"Oo, pero..." huminga ako ng malalim, iniisip kung paano ba sasabihin. "Mukhang ayaw pa niyang kumilos kasi hindi pa niya alam ang side ng mga ka-group ko sa thesis. Ayoko din naman na magmukhang masyadong demanding."
"Kaya nga dapat kausapin niyo siya as a group," sagot ni Jewel, sabay iling.
Isang buwan ko pa lang kasama ang mga ka-group ko, pero ramdam ko na ang bigat ng sitwasyon. Hindi talaga kami nagiging maayos—si Benedict at Rochelle ang kasama ko, at para bang may tensyon sa pagitan namin.
Si Rochelle, may halatang alitan sa akin, at si Benedict naman... ewan, hindi ko lang talaga feel na makatrabaho siya sa ganitong kalaking project. Hirap pa silang hagilapin. Lagi silang nawawala kapag may kailangan kaming pag-usapan o i-submit, lalo na kapag tinatanong kami ni Sir Lorre, ang thesis adviser namin.
Ang nakakainis pa, karamihan ng trabaho sila naman ang gumagawa, pero ang bigat ng responsibilidad na ipinapasa nila sa akin—lahat ng final approval at pag-check bago ipasa kay Sir, ako pa din ang inaasahan.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...