Chapter 10

17 1 0
                                    

Chapter 10: Newcomer

          After 2 weeks matapos ang pyesta ay bumalik na din kami sa normal. Parang 1 week din akong puyat dahil sa amin ina-sign ang pag-aayos ng Sport Fest for our department.

Walang kapagurang org events 'to, wala naman din siguro akong dapat ireklamo kasi nagdesisyon naman ako para sa sarili kong sumali dito.

"Narinig mo na ba yung balita?" lumapit sakin si Jaycee at ipinakita sakin ang email sakaniya ng chairperson ng department namin.

Hindi na ako nagkatyansa na basahin nang magsalita siya, "May bagong professor na parating."

"Totoo?" biglang sumingit sa gitna namin si Jewel na kararating lang.

"Oo, bata daw." dagdag pa ni Jaycee at parang hindi naman nakakaexcite na may bago kaming instructor.

Mangangapa na naman kami at hindi pa sure kung mabait ba sa grades 'yon. Isa pa, hindi naman madaling mag hilom yung sakit ng pag-alis ni Sir Stephano samin para mapaltan nalang siya ng bago.

"GO! GOMEZ!"

Isang malakas na sigaw ang nagkapagpaalimpungat sakin at dito ko napagtanto na nasa gymnasium nga pala kami and we're watching basketball kung saan naglalaro ng basketball ang kaklase namin.

Nakaupo kami sa monoblock na siyang malapit lang sa linya ng court. Kasama ko ang mga kaklase ko na panay cheer sa mga players namin na nakasalang.

Looking at the paper sheet I'm holding, score sheet pala ito at halos hindi ko na nasundan ang pagtatarak. Para bang nakaidlip ako kahit na dilat na dilat ako. Dahil na lang din siguro sa pagod para lang mairaos ang event.

"Louise!"

Kasing bilis ng kidlat akong napalingon sa babaeng sumigaw at alam na alam ko kung sino iyon.

"Louise! Galingan mo!" sigaw pa niya kasama ang mga kaibigan niyang tinutulak tulak pa siya.

Halatang dumaan lang sa gymnasium para mapanood si Louise. Lumipas lang ang 2 weeks pero mukhang si Venice na ang nagpaplanong magpakilala sa mga kaibigan namin.

Hindi pa din nga maalis sa isip ko ang nakita ko noong araw ng peryahan. Hindi man nagdikit ang mga labi nila pero at some point, alam ko na maaaring mangyari 'yon at magustuhan ni Louise.


"Tanginang bunganga yan." bulong ni Jewel sa tabi ko nang bigla nalang din siyang sumigaw. "Hoy! Ang ingay mo!"

Nagtawanan nalang ang mga kaklase ko sa isinigaw ni Jewel. Bakas sa mukha ni Venice ang pagkairita at sabay na nagbulungan ang mga kaibigan nito bago umalis.

"Nakalunok ata ng pito eh." ani Zedrich dahilan para mas madagdagan ang tawanan.

"Tama na ang pang-aasar." lumapit samin ang current vice president for internals na si Ate Mariel. "Baka mapagalitan tayo ng discipline officers n'yan." dagdag pa niya.

Nagkabungisngisan nalang ang mga kaklase ko bago tumabi si Ate Mariel sakin.

"Nakakapagscore ka ba?" mahinahong tanong ni Ate Mariel bago niya tignan ang score sheet na hawak ko. Natawa nalang siya bago ito kunin at ilapag sa scoring table na katabi niya.

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now