Chapter 16

7 1 0
                                    

Chapter 16: New Sunset

       "Ano bang pinagsasabi mo?" hindi ko na napigilang mag-init ang ulo ko. Tumayo ako sa harapan ni Venice at tinitigan siya nang diretso. "Ano bang kasalanan ko sa'yo?" ramdam na ramdam na sa boses ko ang inis.

Isang araw pa lang, pero parang binuhusan na ako ng sandamakmak na problema dahil sa kanya. Paano kung hindi magustuhan ni Louise yung regalo niya? Kasalanan ko ba na hindi siya type ni Louise?

Ako nga na ilang taon nang may gusto kay Louise, hindi pa rin makaamin. Kasi alam ko naman na wala akong chance. Alam kong magkaibigan lang kami ni Louise—magkaibigan na may pader na sobrang taas sa pagitan.

Pero kahit ganon, hindi naman ako aabot sa point na gagayahin ko ang kabaliwan ni Venice. Ano bang meron kay Louise para umabot sa ganito?

"Baka nakakalimutan mo, Anne, may utang na loob ka sa akin," mayabang na ngiti ni Venice. Natawa ako nang bahagya. Para bang ang laki ng utang na loob ko sa kanya?

"At bakit ka nagagalit?" pang-aasar na naman ang nasa boses niya. "I asked you, 'di ba?"

Lumapit siya sa akin, halos magkadikit na ang mga mukha namin. "Takot ka ba na malaman ng iba ang nangyari?" bulong niya.

Napapikit ako saglit, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ramdam ko nang bibigay na ang pasensya ko. Kasing ikli na lang ng pisi.

Ngayon ko lang ulit naalala kung ano ba talaga si Venice sa buhay ko. Hindi naman siya sumulpot para lang bigyan ako ng payo o magmalasakit sa akin. Hindi siya simpleng estudyante lang. Magaling siya, oo, pero hindi sa paraang inaakala ko. Nakilala ko siya dahil kay Marcus, at dun ko nakita kung gaano ka-komplikado ang galing niya.

Limang buwan akong nanahimik, kasi akala ko ako yung mali. Pero nang makita ko ang kabuuan ng sitwasyon, na-realize kong hindi ko dapat kinimkim 'yon. Mabilis na naghilom yung sugat na iniwan nila.

"Pumayag ka naman na tulungan ako, 'di ba? Tinanggap mo itong pink box para ibigay kay Louise. So bakit ka nagagalit?" tanong niya ulit habang tinititigan ang hawak niyang kahon.

"It's worth millions, Anne," sabi niya na parang minamaliit ako. "Alam ko hindi mo kayang bilhin 'to. Kasi alam ko kung gaano ka kacheap."

Nanigas ang mga kamao ko. Natawa ako, at doon nag-iba ang ekspresyon ni Venice.

Hindi ko na kinailangan magsalita. Tumawa lang ako kasi nakita ko kung ano ang laman ng pink box na sinasabi niyang milyon ang halaga. Curious ako dahil ibinigay ko 'yon sa taong gusto ko.

Hindi nga aabot sa presyo ng pabango ko 'yan! Ako ang cheap? Sino sa aming dalawa ang nagiging cheap ngayon? Sino ba ang nagpapakahabol kahit hindi siya gusto?

"Bakit ka tumatawa?" kita sa mukha niya ang inis. "Baka gusto mo talagang ilabas ko ang nangyari? Marami akong proof ng mga chats niyo ni Marcus—"

"Tangina," napalakas ang tawa ko kasabay ng mura. Sa sobrang inis ko, halos hindi ko na mapigilan.

"Madami ang magugulat, Anne," dagdag niya, hindi pa rin nawawala ang pang-aasar sa tono. "Kapag inilabas ko ang nangyari sa inyo ni Marcus—"

"Yung friend mong cheater? Siya ba?" Hindi ko na napigilan, hinampas ko siya sa balikat. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"Sige! Ilabas mo! Ilabas mo para madumihan ang pangalan ni Marcus! Hindi lang naman ako ang mapapasama, lalo na't siya ang two-timer!"

Nanlaki ang mata ni Venice, halos mabitiwan niya ang pink box. Patuloy ang sunod-sunod kong pagtulak sa kanya, hindi na ako nagpaawat.

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now