Chapter 2

22 1 0
                                    

Chapter 2: Freshman Syndrome

Sobrang ingay ng hallway, kada floor ay may iba't ibang seremonyas. Kahit nasa ground floor ako ay rinig na rinig ko ang ingay mula sa 6th floor. Kahit sawayin ng guard ay hindi kaya dahil sa sobrang dami ng estudyante.

Sumakay na ako sa elevator, kasabayan ang mga estudyante at professors. Halos siksikin na nga nila ako sa pinakagilid, dinaig ko pa yung masarap na sardinas dito.

Alas-otso palang ng umaga kaya naman nagsisiksikan na sa dami ang mga tao lalo na't karamihan samin ay may hinahabol na klase. Mabuti nalang dahil may putal na 15 minutes ang start ng class namin kay Sir Wilson.

NNakarating naman ako ng buo sa room namin, kakaunti pa kami at wala pa ang magiging dahilan ng ingay ko. Umupo na ako sa pinakadulong upuan, mahilig ba naman kasing magtawag itong si Sir Wilson.

At habang iniintay ang oras ay naisipan kong tignan yung mga memories namin sa phone ko. Kakatapos lang din kasi ng Christmas party ng section namin last 5 months at parang magandang balikan ko ngayon since wala pa naman akong ginagawa.

Isang picture lang naman dito ang gusto kong tignan araw araw. Hindi ko kasi ineexpect na magkakameron ako ng ganitong klaseng circle of friends.

Pero isa lang ang wala sa picture na importante din sa grupo namin.

"Louise!" nagulat ako ng may tumawag sa pangalan niya. Sinaktuhan na kakapasok niya lang sa pinto at gulat na gulat din siya nang marinig ang pangalan niya.

'Yep! Si Louise.' 

Siya ang missing person sa group photo namin.

Meron akong dalwang circle of friend. Una ay ang circle of friend namin ni Louise. Pangalawa naman ay bago lang din dahil sa group activity pero dito ko mas nahanap ang piece of mind ko kaysa sa unang circle of friend.

Sa unang circle of friend naman ay nariyan ang kaunaunahan sa listahan na si Jewel. Pati sa pangalawang circle of friend ko ay nandoon siya. Kung tutuosin, kahit kaclose ko naman lahat ay siya yung pinakaclosest na nasasabihan ko lalo na kapag tungkol kay Louise. Hindi ko nga alam kung puno na ba ang storage n'yan sa dami kong naikwento sakaniya.

Next ay si Jaycee na kaclose ang moron 5 ng room which are Micoy, Zedrich, Benedict, Harvey at Louise. Sila ang mga kasama ko sa outing pictures dahil hindi pa buo ang 2nd circle ko. Si Jaycee talaga ang una kong naging kaibigan since 1st year. He's very sociable at akala ko nga ay kilala na talaga niya lahat ng mga kaklase ko.

Pero habang nagtatagal ay hindi na din kami nagkakaroon ng matinding interaction at bonding as a friend simula noong makita niya ang comfort niya sa isa naming kaklase na I just conclude na best friend na niya ngayon.

Bukod kay Louise at Harvey, ang natitirang tatlo na lalaki ay pareparehas lang salot sa buhay ko. Hindi naman ako galit sa kanila pero sa loob ng tatlong taon naming magkakasama ay kinakapa ko pa din ang ugali nila.

Si Harvey ang isa sa nakaclose ko dahil daw crush niya ako. Nalaman ko pa yon kay Jewel dahil na din sa kadaldalan non. Kay Jewel din kasi nagsasabi si Harvey ng mga kalandian niya.

'Fun fact!'

Crush ni Jewel si Harvey at I think parehas lang kami ng pinagdadaanan ngayon. Ang pagkakaiba namin ni Jewel, kayang kaya niyang aminin ngayon ang nararamdaman niya kay Harvey. Need niya lang ng push over para aminin 'yon.

My new circle of friends ay sina Aea, Ray at Nicholas. Sila lang naman ang mga hopeless romantic na lagi ng nasa top 5 ng honors. Sabihin na nating nakakaangat lang sakin ng kaunti.

Hindi ko din ba kasi alam kung bakit ako napasama sa mga matatalino. Nagsimula lang naman to sa groupings. Hindi ko naman alam na seseryosohin nila na maging close kaming lahat.

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now