Chapter 7: Love Bomb
Agad akong lumabas para tignan kung ano ang dahilan ng pag-sigaw ni Noya.
"Anong meron?" tanong ni Ate Aivon na siyang sumunod palabas.
"Ate! Bilis!" mas lalo pang lumakas ang sigaw nito at pagkalabas namin ni Ate Aivon ay natameme nalang ako sa nakita ko.
'Anong ginagawa niya dito?'
"Hi," bati ni Louise sakin, tumingin ako sa hawak niya at nasa kaniya ang wallet ko.
"Ibabalik ko lang sana, naiwan mo sa jeep kanina." akma siyang lalapit pero ako na ang nagkusang kunin ito sa kamay niya.
Masyado siguro akong kinain ng pag-iisip ko sa pinapakita sakin ni Louise sa mga nakaraang araw. Mas naguguluhan ako lalo sa mga inaasta niya.
"What's the meaning of this?" tanong samin ni Ate Aivon at may mapang-asar siyang tingin sakin.
"Good evening po." bati ni Louise sa dalawa kong kapatid at grabe ang tibok ng puso ko ngayon.
Hindi ba pwedeng umalis na siya ngayon? Kinakabahan ako lalo na't kapag nalaman pa ito ni Mommy at Daddy.
Iba pa naman ang kwento kapag galing na sa dalawang kapatid ko ito.
"Nag-abala ka pang pumunta dito sa bahay." natatawang sabi ni Ate, tingin pa siya ng tingin sakin na parang may kalokohan na siyang naiisip.
"Dalawang araw din po kasi kaming walang klase kaya sinadya ko na. Baka kailanganin niya." magalang naman na paliwanag ni Louise.
Tumingin siya sakin at sinenyasan ko na siya na umalis. Bakas naman sa mukha niya na hindi nito maintindihan ang sinesenyas ko.
"Kasabay mo si Anne pauwi?" tanong ni Ate.
Dahan dahan kong nilingon si Ate Aivon at pinandilatan. Bakit ba kasi kailangan pang magtanong? Pwede bang pauwiin na nila 'to?
"Opo." muling tumawa si Louise pero bakas na ang pagkahiya.
Nanlalaki ang mata ni Noya at Ate na tumingin sakin, nginitian ko lang silang dalawa bago humarap ulit kay Louise.
Sinenyasan ko siya na okay na pero mukhang hindi niya napapansin.
"Eh kung gan'on, pumasok ka muna dito. Sakto at maghahapunan na kami." pinanlakihan ko lang lalo ng mata si Ate Aivon.
'Ano namang pumasok sa utak niya para imbitahin 'to?'
"H-Hindi na po." pero mas lalong nanlaki ang mata ko sa sagot ni Louise.
'At anong karapatan niya para tumanggi?'
Nginitian ko nalang siya nang magtama ang mata namin. Ayoko namang isipin niya na pinapaalis ko agad siya dahil lang nanlalaki ang mata ko.
"Anong nangyayari d'yan?" biglang sumilip ang Lola ko sa bintana ng kwarto niya. Hindi kami nakasagot nang isarado niya ang binatana.
Maya maya lang ay nasa tabi na namin siya. Halatang masamang pangitain na lumabas pa si Lola para lang makita ang scenario na ito.
"Classmate po ni Ate Anne." sabi ni Noya at kumaway naman itong si Louise sa Lola ko.
Muli ulit akong sumenyas kay Louise ng magtama ang mata namin pero ang senyas ko ngayon ay magmano kay Lola.
Pero sa pangatlong pagkakataon ay mukhang hindi na naman naintindihan ni Louise ang pinaparating ko.
"Tagasaan ka, hijo?" tanong ni Lola dito.
"Kabilang bayan pa po." sagot ni Louise at mukhang hindi makahanap ng tyempo kung kelan siya magpapaalam.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...