Chapter 8: Crushing Hearts
Kinakabahan ako ngayong araw na ito. Today is the day I've been eagerly awaiting for Day 2 of the peryahan. Hindi ko pa kasi sure kung papayagan ba ako.
Hindi nga nila ako pinapansin kahit bihis na bihis na ako at nakatambay sa salas habang iniintay siya.
Maagang natapos ang klase namin kaya naman maaga na din akong umuwi para maghanda at ayusin ang sarili ko.
Kinakabahan din ako sa magiging tingin nina Mommy at Daddy kay Louise. Sakto at day-off pa naman nilang dalawa.
Alas-sais na ng gabi at hindi mapakali ang mga binti ko. Hindi pa ako tinatawagan o tinetext ni Louise bilang update niya kung pupunta ba siya. Wala din naman kaming naging usap kung tunay bang ipagpapaalam niya ako. Nawawalan na nga ako ng pag-asa pero nararamdaman ko naman na dadating siya.
Malakas naman ang paniniwala ko na dadating siya.
Hindi ko man siya kilala ng lubusan, nakakasigurado ako na dadating siya.
"Sure ka ba na dadating 'yon?" bulong sakin ni Ate Aivon. "Oo," sagot ko.
Pinagkatitigan ko ang pintuan at hinihiling na may tumawag at kumatok mula sa gate.
'Please. Please.'
Ilang saglit lang ng pagdarasal ko ay may kumatok na, hindi naman sa excited ako pero mabilis akong tumakbo palabas ng pintuan papuntang gate.
Pagkabukas ko ay hindi agad ako nakapagsalita but, I was right.
It's him.
Standing in front of me.
It's Louise.
Hindi din maipaliwanag ang ngiti ko, hindi ko man nakikita ang sarili ko pero alam kong napakalawak ng ngiti ko ngayon.
"Hi, Anne." bati niya sakin. Gusto ko man siyang batiin pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
He looks... presentable.
He has changed his hairstyle from greasy hair to a fresh blow-out taper. Sa itsura palang sa pananamit niya, yellow looks great on him with black pants.
"P-Pasok." sabi ko at pagkadaan palang niya sa harap ko. A whiff of Guerlain Tobacco Honey perfume drifted past me—a blend of honey, vanilla, and tobacco that perfectly matched his enigmatic character.
Ibang iba sa everyday Louise na nakikita ko sa school na mukhang tulo laway pa at kakagising lang galing sa dorm niya.
"Siya na ba 'yan?" lumingon ako kay Mommy at napansin kong sumisilip silang lahat sa pinto.
"O-Opo." sabi ko at muling tumingin kay Louise. "Tara sa loob?" pag-imbita ko at kasabay ko siyang pumasok.
Lumapit siya sa mga magulang ko at nag-mano, lumapit din siya kay Lola pero tinarayan lang siya nito.
Hindi pa din siguro nakakamove on si Lola sa hindi pagbibigay galang ni Louise sakaniya nung isang araw.
Masisisi ko ba kung old fashion ang Lola ko at hindi naturuan ng proper etiquette itong si Louise?
"Louise," tawag ko dito nang iwan lang siya ni Lola sa pwesto niya.
Sinenyasan ko siya na umupo sa sofa namin at mukhang naintindihan naman niya kung ano ang ipinaparating ko.
Sa wakas, nagkaconnection din kami.
"Anong oras ba ang simula nung concert na sinasabi niyo? Sino bang artista ang nand'on?" nagsimula ng magtanong si Daddy.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...