Chapter 12: Unexpected Ride
Hindi matigil sa pagnginig ang binti ko dahil sa kaba. Inannounce lang naman ni Mr. Suarez ang mag partners for reporting bukas.
"Kinamalas-malasan nga naman," bulong ko sa sarili ko nang makita kong si Louise ang naging kapartner ko. Hindi pa nga pumasok ngayon!
Huminga ako nang malalim at naglakad papunta kay Mr. Suarez, sinubukan kong isalba ang sitwasyon. "Sir, baka po pwedeng magpalit ng partner?"
Taas-kilay niya akong tinignan, parang alam ko na agad ang isasagot niya. "Bakit? Anong problema kay Louise?"
I sighed internally, already sensing the rejection coming. "Wala naman po, sir, absent lang kasi siya ngayon."
"Hindi pwedeng magpalit ng partner, Anne. You’ll have to work it out on your own," he said firmly. "Kung maaring ichat mo siya o puntahan sa kanila ay pumunta ka. Grades mo ang nakasalalay dito."
Napabuntong-hininga ako habang bumabalik sa upuan ko. Talaga ba? Si Louise pa talaga?
Pag-upo ko, napansin kong sinundan ako ni Jewel ng tingin. Agad siyang dumikit at bumulong, "So, si Louise talaga ang kapartner mo?" may halo pang asar sa mga ngiti niya.
Napairap ako. "Hindi nga siya pumasok. Wala kahit isa sa mga kaibigan natin ang may alam kung nasaan siya. Ang malas ko naman, sa dami ng pwedeng maging partner, siya pa."
"Baka sobrang napagod lang sa sports fest kahapon. Gigil na gigil ba naman." sagot ni Jewel, habang nagtataka na rin.
Biglang narinig namin si Zedrich, na nakaupo sa harapan, sumingit sa usapan. "Baka nasa dorm lang si Louise. Subukan mong puntahan dun, malapit lang naman."
Isang minuti ko siyang pinagkatitigan habang namimilipit ang katawan niya para lang sabihin 'yon sakin. "Seryoso ako." dagdag pa niya.
Tumingin ako kay Jewel, parang naghahanap ng second opinion.
"Well, if you really need him for this project, it wouldn’t hurt to check. Baka nga andun lang siya, nagtatago," sabi ni Jewel, sabay tawa nang mahina.
Napabuntong hininga nalang ako dahil para bang wala na akong choice sa mga oras na ito.
"Fine, samahan mo ako," sabi ko kay Jewel, may halong pag-asa na sasamahan niya ako.Pero mabilis niya akong tinanggihan.
"Uuwi ako mamaya eh, sorry. May lakad kami ni Mama."
Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Zedrich, umaasang baka siya na lang ang pwedeng sumama. "Ikaw? Busy ka ba?"
Ngunit ngumiti lang siya at umiling. "Bebetime."
Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Walang gustong sumama, at ako lang ang pupunta sa dorm para hanapin si Louise. Mabuti nalang sana kung nandoon nga siya sa dorm niya, e' paano nalang kung wala?
Halos mahilo na ako sa kakaikot sa harap ng gate ng dorm ni Louise. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok o mag-chat ulit sa kanya. Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang i-chat ko siya, pero hanggang ngayon ay 'delivered' pa rin ang status ng mga mensahe ko. Miski tawagan ko, out of reach naman. Sabay-sabay pa na may kailangang tapusin ang mga kaklase ko dahil sa lintek na reporting ni Mr. Suarez.
YOU ARE READING
What's Up, Anne
Teen FictionWhat's Up, Anne For two years, Laura Anne Santiago has been silently battling the emotions she never expected to feel for her classmate, Andrew Louise Gomez. They're both engineering students, drowning in deadlines and exams-yet amidst the chaos, th...