Chapter 11

19 1 0
                                    

Chapter 11: Errol Borlasa

          Punong puno ngayon ng ingay ang gymnasium dahil sa laban ng freshman at sophomore sa volleyball. Intense, walang nagpapatalo, walang may planong bitawan ang bola pabagsak sa sahig.

Parang buhay ko lang yung bola eh. Bugbog na sa palo, pero nakukuha pa ring irecieve para isave.

"Nakakaloka naman." Jewel nudged me, her eyes fixed on the court as the freshman team made a fast break.

My fingers tightened around the score sheet, hindi ako makafocus at panay ang tingin ko sa direksyon ni Louise na nasa kabilang ibayo ng court.

Hindi ko maiwasang mag-alala sakaniya. He looked calm, too calm, considering what had just happened with Venice. Pero alam ko na sa loob loob niya, madami ng tumatakbo, madami ng bumabagab sakaniya ngayon.

Imposibleng walang naging impact ang pag-aminin ni Venice kay Louise. Marahil ay magiging laman ito ng kwento sa buong campus.

Mahirap ding iwasan ang ganitong gulo.

"Anne, okay ka lang ba?" putol ni Nicholas sa pagkakatingin ko kay Louise. He leaned closer to reassure, concern evident in his eyes.

Ilang saglit lang ay may narinig na lamang akong bulungan sa likod ko. Ibang mga department na nakikinood sa event namin.

Hindi nga ako nagkakamali dahil mabilis kumalat ang balita sa ibang department.

"May sumigaw na babae daw dito." natatawang wika nung bakla. "Nang-gulo pa talaga sa engineering, wala namang wit!"

"Kawawa nga siya, hindi man lang daw sinagot nung lalaki." halata ang pagkadismaya ng boses nung unang babae hanggang sa magsalita ang isa pa sa kasama nila.

"Eh baka naman kasi walang feelings 'yung lalaki. Mahirap naman kasing basahin si Gomez eh."

"Kilala mo, 'akla?"

"Oo, 'akla. Batchmate ko yan nung senior high, gaga ka."

Right. Louise was hard to read at the best of times. He kept his emotions close, never revealing too much. Ni hindi mo malalaman kung talaga bang naapektuhan siya sa nangyari kanina o alam niyang mangyayari na 'yon.

Malakas na ingay ang umalingangaw mula sa buzzer hudyat na tapos na ang laro ng freshman at sophomore. Madami pang line up ang nakahelera pero hindi na kaya ng utak ko na ipagpatuloy pa ang pagtatarak ng score.

Ibinigay ko nalang muna ito kay Jewel na siyang manonood ng buong laro ng team namin laban sa sophomore pero basketball ulit ngayon.

Kitang hindi pumasok si Louise sa court at nakaupo pa din ng deretsyo sa upuan niya habang nakatitig sa sahig.

Tinapik pa siya ni Micoy pero umiling lang ito bago ngumiti. But even from this distance, I could tell his smile didn’t reach his eyes.

Sabi samin ni Jaycee na ayaw daw munang pumasok ni Louise sa first half dahil sa pagod ng pakikipaglaban nila sa 4th year.

"Alis muna ako." sabi ko kay Jewel pero ang totoo n'yan ay pumunga ako sa cafeteria para bumili ng energy drink. Wala naman sigurong masama kung bibilhan ko siya? Hindi naman siguro siya iba sakin.

What's Up, AnneWhere stories live. Discover now