Untitled Part 43

5 1 0
                                    

* * *

Kaninang umaga, bago pa man dumating ang sundo ni Miller para ihatid siya pauwi ay minabuti na muna niya na pagmasdan ang natutulog na si Axel. Dalawang oras lang ang haba ng tulog ni Miller. Hindi kasi siya sanay sa lugar na kanyang tinutulugan, maliban pa rito ay hindi niya makalimutan ang biglaang paggaling ng kanyang mga sugat.

Hindi na niya kailangan pa na ulit-ulitin sa sarili niya ang katanungan kung paano ito nangyari? Isa lamang ang kasagutan dito, I have become a vampire. Alam na ito ni Miller. Ilang ulit na niyang narinig kay Axel ang posibilidad ng pagiging bampira niya. Sumagi man sa kanyang isipan na maaari nga siyang maging bampira, pero hindi niya lubusan na maisip kung ano ang mangyayari sa kanya kung siya ay tuluyan nang maging bampira.

Magkakaroon din ba siya ng kapangyarihan?

Mabubuhay rin ba siya ng matagal?

Iinom din ba siya ng dugo ng tao?

Imposible na ba siyang maging tao ulit?

At kung hindi na at oo ang sagot sa lahat ng mga naunang katanungan, masasanay ba siya sa buhay bilang isang bampira?

Wouldn't that be great? I have a longer lifetime to pay my father's debt. Biro niya sa sarili.

Inangat ni Miller ang nakayuko niyang ulo. Unang nahagip ng tingin niya ang mapayapang paligid ng natutulog na si Axel. Humakbang siya at umupo sa bakanteng espasyo sa gilid ng kama nito.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa at ngumisi ng tabingi. "You sure taking your time there, huh," panimula niya. "Why don't you wake up and help me think? Didn't you tell me that I am your responsibility? How dare you sleep peacefully while I barely sleep from overthinking..." tumawa ulit siya ng mahina at inalis ang tingin kay Axel. Gumawi ito sa lamesa. Nakatitig lang siya roon na tila ba nakapaskil doon ang kanyang mga salita mula sa kanyang isipan.

But overthinking is reasonable in my situation. From human to vampire... it just sounds so absurd.

"I get that you started approaching me because of the mistake but don't you think you're too cold? You're starting to be cold and distant. We rarely talk about anything aside from blood. That kind of hurt... Don't imitate the thing where I am good at. That's annoying."

Mariin na ipinikit ni Miller ang kanyang mga mata. Magkasalubong din ang kanyang kilay habang minamasahe niya ang gitna ng mga ito.

"What am I even saying? Isn't not talking is better for me" tanong ni Miller sa sarili na hindi makapaniwala sa tunay niyang nararamdaman.

Hindi nagtagal ay sumulpot na sa silid si Kristoff. Hindi niya inaasahan na maagang magigising si Miller. Pero mas hindi niya inasahan ang pag-aalinlangan nito na umalis. Buong akala niya ay maaga itong nagising para maagang umuwi. Subalit sa inaasta nito, sa blangko nitong ekspresyon ay kitang-kita na wala rin ito sa kanyang sarili.

Hindi rin nakawala sa kanyang mga tingin ang makinis nitong kanang braso na dapat ay puno ngayon ng benda. Maaari naman na magpanggap si Miller na hindi pa naghihilom ang kanyang mga sugat sa pamamagitan ng benda. Hindi sigurado si Kristoff kung sinadya ba ni Miller na makita niya ito o nakalimutan niya lang na takpan ang dapat ay sugatan niyang braso. Kung ano man ang pakay ni Miller ay walang ideya si Kristoff. Alam ni Kristoff kung ano ang ibig sabihin ng kusang paggaling ng sugat ng isang mortal na may vampire essence sa katawan. Ngunit ayaw niya na pangunahan ang mortal na kaibigan kaya nagpanggap siya na walang napansin.

"Sabi ni Papa baka isa hanggang dalawang araw pa raw bago magising si Master," pahayag ni Kristoff. "Huwag kang mag-alala tatawagan kita kung nagising na siya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming the VampireWhere stories live. Discover now