![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Humakbang ka!
Paano mo tatahakin ang iyong landas
Kung ikaw mismo alam mong hindi ka makatakas
Sa rehas ng iyong takot at pangamba
Mangangahas ka bang makalaya o magpapalamon sa kaba?
Hanggang saan ka dadalhin ng iyong mga pag-aalinlangan?
Kung ngayon batid mong wala itong patutunguhan
Pipiliin mo bang magpadaig sa sarili mong anino?
O kaya'y susubukan hanggang sa malaman mong kaya mo
Mabigat man ang mga katanungang dumadaghan sa iyong isipan
Hindi nangangahulugang hudyat ito upang sukuan
Mahaba-haba pa ang digmaan at pakikipagsapalaran
Ngunit sa huli mapagtatanto mong ikaw ang may kapangyarihan
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
![](https://img.wattpad.com/cover/359301166-288-k914908.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala