Giliw
Gumagaan ang lahat kapag ika'y kasama
Panatag ako at alam kong payapa
Hindi natataranta o kinakabahan
Sapagkat alam kong ika'y laging nariyan
Hagkan mo ang palagi kong hanap
Sa mga panahong ako'y tila pinagsakluban ng langit at lupa
Lumulundag at lumilipad sa alapaap ang aking kaligayahan
Sa mga simple ngunit makahulugan mong halik at yakap
Giliw, ikaw ang nais makasama sa habambuhay
Wala akong ibang nakikita kundi ikaw ang kasamang lalakad sa altar
Bumuo ng pamilya at simpleng mamuhay
Pag-iibigang walang wagas kahit na patuloy na lumilipas ang panahon hanggang sa pumuti man ang ating buhok
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala