Hilom
Lahat tayo'y may iniiwasang katanungan mula sa'ting nakaraan
Nakalipas na nais na lamang ibaon upang malimutan
Upang matakasan ang sakit na dulot ng maling kahapon
Ngunit patuloy na umaasang maghihilom ang sugat sa paglipas ng panahon
Mapait na karanasan buhat ng hilaw na kaalaman
Sa kabila nito naging mulat sa madilim na katotohanan
Hindi lahat ay may perpekto at masayang pinagmulan
Sapagkat ang iba biktima ng hindi inaasahan
Binalot man ng takot at pangamba
Hindi ito nangangahulugang hanggang dito na lamang ang iyong istorya
Habang patuloy na lumilitaw ang bukang liwayway
Isa itong hudyat na may hiwaga, kaya't magpatuloy ka lamang
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoesíaTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala