![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Aminin
Pinili kong ilihim ang aking pagtingin
Sapat na sa'kin ang masulyap ka at mahagip ng aking paningin
Gusto ko man sabihin ang aking damdamin
Ngunit hindi ko alam kung kailan at paano ko sasabihin
Pasimple simpleng sayo'y nagpapapansin
Kunwari naiinis at naiirita sa mga biro mong sirang plaka
Iyon pala hinahanap-hanap kapag ikaw ay 'di makita
Kahit na sa pang-aasar mo'y kayang makiliti ang puso ko
Minsan pa nga parang baliw na tumatawa habang nakatulala
Sinasabing nalihis ang tornilyo ng aking utak
Hindi ka na naman kasi maalis sa'king isipan
Maging sa'king panaginip may ikaw at ako na nag-iibigan
Nagulat na lang at naisulat pa kita ng tula
May kanta pa na tanging ikaw lang ang nilalaman at bida
Makakaya ko kayang ipagtapat ang aking nadarama?
Kung gayon alam kong may iba ka namang sinisinta
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
![](https://img.wattpad.com/cover/359301166-288-k914908.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala