![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Pakinggan
Naaalala mo pa bang musika ang nagkonekta sating dalawa?
Hanggang ngayon patuloy ko pa ring naririning ang iyong pagkanta
Tumili, napangiti at napapadyak pa 'ko sa tuwa
Kailan ko kaya muling maririnig ang iyong harana?
Hindi ba inaya mo akong sumabay sayo sa pag-awit nang tugtugin mo ang gitara?
Sa mga panahong iyon ako'y nahihiyang kumanta sa iyong harapan
Takot na mapiyok dahil gusto kong ika'y mapahanga
Ngunit ako ang mas humanga sa iyo na hindi ako pinilit at inintindi na lamang
Tunay akong masaya at maligaya tuwing ika'y kasama
Kahit na ang pakiramdam ko'y ako'y nagtatago dahil sa takot na malaman ng iba
Subalit patuloy kong pinakinggan ang puso't damdamin
Ngunit hanggang ngayon ako'y nalilito sa kung ano nga ba ang mayroon sa atina
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoesíaTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala