Selda
Sa murang edad at musmos na isipan
Tila bilanggo sapagkat hilaw ang kaalaman
Nangangapa sa katotohanan
Kung paano makikipagsapalaran
Tahanan na nagsilbing rehas ng kabataan
Hindi kayang takasan sapagkat ito ang pinagmulan
Paano matatamasa ang kalayaan?
Kalayaang may maranasan at may matutunan?
Hindi ba't kabataan ang pag-asa ng bayan?
Kung ganon dapat sila'y ginagabayan
Hindi ikinukulong sa bilangguan
Hayaang kusang matuklasan ang kanilang kakayahan at patutunguhan
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala