![]()
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image. Yakap
Makapigil-hiningang sandali ang matantong ito na ang huli para sa'ting dalawa
Nangarap at nag-akalang ikaw at ako ay magkasamang tatanda
Subalit mukhang malabo pa sa nagngangalit na kalangitan ang nangyari
Bakit hindi natin napanindigan hanggang sa huli?
Huling yakap at huling halik
Mga ala-ala ng kahapo'y biglang bumalik
Labis na nasasaktan sa hiwalayan
Mukhang hindi na madadala pa sa mabuting usapan
Patuloy kong babaunin ang mga ala-ala ng kahapon
Na ating pinagsaluhan at inipon
Mahirap man ngunit batid kong maging ang ulan ay nakikiramay
Sa'ting mga pusong ilalamay
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.

YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
ПоэзияTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala