Bala
Nakakaantig ng puso sa'twing mauungkat ang nakaraan kung paano tayo pagtagpuin
Nagkrus ang landas natin sa hindi inaasahang pangyayari
Walang may gusto at walang may pumilit
Pinaglapit at nauwi sa malalim na pag-iibigan
Ninakaw mo ang una kong tingin, yakap, at halik
Maging ang aking isip, puso, at kaluluwa
Pinaubaya ko ang lahat lahat sa'kin
Ngunit kalaunan naumay ka at iniwan ako sa ere
Kung gaanong bigla tayong pinagtagpo bigla rin tayong pinaglayo
Tila baril na sa isang bala iyon na ang katapusan
Hanggang sa ngayon iniisip kong saan ako nagkulang?
O sadyang hindi lang tayo ang para sa isa't isa na maging kanlungan
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightul owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala