Bitaw
Bibitaw ka ba kung gayon alam mong may pag-asa pa?
Nanaisin mo pa bang ipagpatuloy o hanggang dito na lang muna?
Hindi isang kasalanan ang bumitaw
Lalo na kung alam mong pagod ka na at gusto nang umayaw
Magpahinga kung kailangan at subukang alamin
Kung ito nga ba ang iyong kagustuhan
Kung ito nga ba ang iyong nais kahantungan
O kung ito nga ba ang tamang paraan? ang bumitaw?
Dapat nga bang bumitaw kapag napagtanto mong pagod ka na?
O baka ito lang ang isang solusyon upang takasan ang digmaan?
Hindi ba isang duwag ang bumitaw upang minsa'y magparaya?
Baka sakali kung ikaw ay bumitaw malalaman mo ang kahulugan ng salitang malaya
Pero teka, pwede namang magpahinga at lumaban muli maya maya diba?
Huwag mong bitawan ang mga bagay na alam mong may halaga sa'yo
Tanungin mo ang sarili kung ano ang mga dapat bitawan
Iyon ay ang takot, pangamba at pag-aalinlangan sa kung ano ang kahihinatnan
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala