Ligaw
Uso pa ba ang ligawan? o hanggang chat, message o call sa selpon na lang?
Tila hibang na nag-uunahang magka nobyo at nobya?
Biro na nga lang ba ang 'pagmamahalan'?
Nagka amnesiya ba ang lahat sa kung bakit nga ba may ligawan
Pagbibigay ng rosas, tsokolate, hatid sundo sa bahay ay mga simple ngunit 'di madaling gawin
Mga simpleng gawain na sa dalaga'y tumatatak sa kanyang puso't isipan
Tila mga tala sa langit kung sungkitin ang tiwala ng isang dilag
Patibayan na patunayan na ika'y karapat dapat na tagapagmana
Hindi sukatan ang materyal na bagay upang manakaw ang kanyang loob
Bagkus napatutunayan sa gawa hindi sa mga mabulaklak na salita
Mapanindigan ang kanyang mga kilos at desisyon bilang isang tunay na lalaking may prinsipyo
Makahahagilap pa nga ba ng tunay at purong lalaking handang hamakin ang lahat para sa tunay na pag-ibig?
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala