Tahanan
Sa buong araw na pagod ay iniinda
Ikaw ang tanging pahinga, aking sinta
Hindi man pinalad sa mga nangyari sa buong araw
Sa yakap at hagkan mo lamang sa tuwa'y ako'y nalulusaw
Marami man ang dinaanan at nanganghas ng sumuko
Ngunit batid ko lamang na ikaw ang aking tahanan, hindi ako magpapatalo
Ikaw ang kanlungan at kailangan ko
Sa mundong minsa'y taliwas sa nais ko
Ikaw ay aking tinatangi
Aking dunong, lakas at ngiti
Wala na akong ibang nanaisin
Kundi ang ikaw at ako ay pagbigkisin
Author's Note:
Photo is not mine. Credits to the rightful owner.
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula ang tulay upang maitala ang masidhing damdaming nais iparating sa mga tala